Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#malungkot
*why can't it be the two of us... Kasabay ng pagkawala ng mga linya Sa saliw ng isang malungkot na musika Muli na namang pumatak ang mga luha Na unti- unting nagpalabo sa aking mga mata Muli na namang tinatanong ang sarili Bakit nga ba hindi, Bakit nga ba hindi tayo? Bakit nga ba walang tayo? Hindi ko alam ang mararamdaman Sa tunog ng iyong pangalan Mga ala ala ay bumabalik Parang sinasaksak aking dibdib Akala ko okay na ako Akala ko lang pala Akala ko tanggap ko Hindi pa pala Muling nagtatanong sa sarili Ano ba ang aking mali Patuloy ang pagtulo ng mga luha Sa indak ng malungkot na musika Kailan kaya magiging payapa Ang pusong mas durog pa sa paminta?*
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 11:09 AM UTC
Kailan
naglalakad sa gitna ng kadiliman at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan ang pighati ay dinadala sa paglalakbay ilang patalim na ang aking tinahak makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais binalot ng pait at galit sa paghihirap may pag-asa pa nga bang matatanaw sa isang paglalakbay na puno ng sakit isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa mababatid pa nga ba ang kinabukasan sa paglalakbay na puno ng hinagpis at pag-inda ng mabibigat na dalahin sa isang pikit-matang paghihirap.
0
Dec 20, 2019
Dec 20, 2019 at 7:52 AM UTC
pikit mata