Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#mahirap
Ako’y isang hamak na manunulat Kung ako’y tatanungin sa yaman ako’y salat Pagdurusa’t hirap nakaukit sa aking balat Gutom at pighati aking dinadaan sa masinsinang pagsulat Mensahe ng aking tula paghihirap ang paksa Pluma at papel luha ang siyang tinta Galak at tuwa iguhit mo at ipinta Pangakong aliw at ligaya iaalay sa’yo sinta
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 11:05 PM UTC
Hamak Lamang
Sa mundong puno ng pagdududa Hirap kumilos, bigla kang tinamad Ayaw ng bumangon, naalala ko nanaman Yan ang mga sinabi mo Sa mundong mapanghusga Mahirap magkunwari Nawawala rin ang mga ngiti Ayaw mo lang kasing subukan Mas mabuti na lamang na lumayo Pagmamasdan na lang kita sa malayo Lahat maaabot mo, walang imposible sa’yo Pero hindi kita masisisi kung bakit ka ganyan Napuwing nanaman ako Hindi na ako nagtataka Hindi ko rin naman alam Ganoon na lamang ang lahat Pagmasdan mo lang ang paligid Baka nandyan lang Nababalot ka ng alinlangan Magulo ang isipan Hindi ka pangkaraniwan Naiiba ka sa kanila Iyan ang naalala Hindi na ako magtataka Kung ayaw may dahilan Wala ka naring pakialam Hindi na ako nagtataka Wala kang kasalanan Maging masaya ka lang Hindi na ako magtataka
0
Mar 16, 2018
Mar 16, 2018 at 12:16 PM UTC
Hindi na nagtataka