Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#lugmok
Gusto kong makalimot Gusto kong kalimutan lahat Lalo na yung masasayang alaala 'Yun yung mas masakit, mas gumuhit Kung paano ka naging sanhi ng aking pag ngiti Ngayo’y katumbas kung gaano kahapdi Bumalik ka sa simula Tignan mo kung gaano ka kasaya pag kasama siya Kung gaano ka niya napapasaya sa walang kwentang bagay Alalahanin mo siya, siya lang yung kayang mag pangiti sayo ng tunay Isipin mo lahat ng plano n'yong dalawa, lalo na ngayon, kung paano makakamit Iba siya, kasi s i y a yung naging tahanan mo noong mga oras na naging palaboy ka
0
Dec 22, 2020
Dec 22, 2020 at 8:27 PM UTC
PANAS
Isang pagkakamali biglang nabura Nabura lahat ng tamang ginawa Isang pagkakataon ang ipinusta Ipinusta ang akala niya ay tama Tama ba na sabihing umalis ka? Umalis sa kadenang kinasusuplutan? Tama ba na sabihing lumipad ka? Kung putol na ang pakpak at wala ng liliparan? Humayo ka, lumaban ka, yan ang sabi nila O kay daling sabihin ng dilang matalinhaga Ngunit sa parehas na dilang iyon ka nalugmok Makalilipad pa ba ang napilayang lamok?
0
Jul 22, 2019
Jul 22, 2019 at 6:57 PM UTC
Putol na ang pakpak