Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#ligawtingin
Mga paningin nating laging nagkaka-bunggo, pilit man itong pigilin kusa pa ring nag-tatagpo ginagala ang mata sa bawat sulok ng kwadro, upang ito ay itago ngunit sayo pa rin sa huli dumadapo. Bilanggo ang aking mga salita gawa ng paralisado kong dila tuwing ikaw ay malapitan kong nakikita. Bibig ko ay mga matang malaya upang mangusap at mag-pahayag ng mga salitang di ko kayang masambitla sa tuwing mata nati'y nag-kakabangga, nag-hihimutok ang damdamin kong nag-babaga.
0
Oct 16, 2018
Oct 16, 2018 at 12:40 AM UTC
Bato Balani