Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#klase
Mga paningin nating laging nagkaka-bunggo, pilit man itong pigilin kusa pa ring nag-tatagpo ginagala ang mata sa bawat sulok ng kwadro, upang ito ay itago ngunit sayo pa rin sa huli dumadapo. Bilanggo ang aking mga salita gawa ng paralisado kong dila tuwing ikaw ay malapitan kong nakikita. Bibig ko ay mga matang malaya upang mangusap at mag-pahayag ng mga salitang di ko kayang masambitla sa tuwing mata nati'y nag-kakabangga, nag-hihimutok ang damdamin kong nag-babaga.
0
Oct 16, 2018
Oct 16, 2018 at 12:40 AM UTC
Bato Balani
May mga klase ng pagmamahalan Pagmamahalan na sinimulan ngunit hindi hanggang huli Pagmamahalan na sinimulan at hanggang huli May pagmamahalan din naman ng katulad ng atin Hindi naman sinimulan ngunit, subalit, datapwat, kailangan tapusin Dahil kahit paulit ulit kong isugal ang puso ko Alam ko sa huli talo pa din ako dahil hindi lang naman oras at panahon ang kalaban ko Pati na din ikaw at siya na mahal mo Gusto ko man ipagsigawan na mahal kita Mahal kita kahit nakaakibat dito na ayoko na Mahal kita kahit alam kong siya pa din ang pipiliin mo sa aming dalawa Mahal kita Mahal kita Mahal kita --- kahit walang tayo Ay mali, ikaw lang pala at ako Kasi sa simula palang wala naman akong matatawag na tayo Walang tayo na pinaglalaban ko Walang tayo na dapat tapusin ko
0
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:59 AM UTC
Klase ng Pagmamahalan