Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kaya
Shes standing on my studio stage Standing singing moonage daydream, She´s a daydream In fake sun spotlights \ She´s a sunset She blinds me with golden beams I´ve listened to the song a hundred times over But it never sounds quite right without her Cause the sound of her lips she controls my entirety my hands, my face, my hips and she kisses my scars She´s better than anything I´ve seen My lady singing moonage daydream.
0
Aug 29, 2025
Aug 29, 2025 at 10:34 AM UTC
Moonage Daydream
mahal, kailan ka huling ngumiti? ngiting tunay at hindi pinilit, mahal, kailan ka huling tumawa? tawang kay lakas at nakakahawa. mahal, alam kong mabigat na naman mabigat muli ang iyong nararamdaman, sa araw-araw hinihiling **** sana'y gumaan hindi mo alam kung gaano mo pa katagal makakayanan. mahal, narito ako sasamahan kita, 'wag nang matakot pa, hindi ka na nag-iisa ako'y magsisilbi **** pahinga, ako ang s'yang magiging tahanan, kaya mahal, tumahan na.
0
Oct 3, 2021
Oct 3, 2021 at 8:33 AM UTC
tahan
Nasasabi mo pa ba na "Kamusta ka?" Sa dami ng mga kung anong bagay na iyong ginagawa? Nasasabi mo rin ba na "Kailangan kita" O hindi na dahil sa makasarili ka? Nasasabi mo pa ba na "Masaya akong kasama ka" Sa kabila ng mga problema **** karamay kita? Nasasabi mo rin ba na "Ingat ka ha" Sa araw araw ng pamumuhay mo, ako kaya'y naaalala pa? Mahirap intindihin at masakit isipin At sadyang nakakabobong unawain Na ang taong minahal mo Ay siya pang mananakit sayo
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:46 AM UTC
Masambit mo pa kaya?
Ang alam ko lang ay yung gaano ako kabuo kapag katabi kita.O kapag kahit ilang kilometro ang layo natin sa isat isa pero nagpapalitan tayo ng mga salita. Binibigyan mo ako ng dahilan, hindi laging masaya pero nandiyan ka. Buti na lang nandiyan ka. At madalang lang sa tagal ng paghinga makaramdam ng ganito, medyo naiilang pa at pinipilit pang talikuran. Pero ngayon pa lang alam ko na, hanggang dito lang ako. Pero ngayon pa lang pinoproseso na ang pagtanggap dahil matagal tagal na rin naman akong naglalakad dito, tingin ko'y kaya pa naman. Hindi pa naman ngalay ang tuhod at paa. Kaya ko pa.
0
Sep 19, 2017
Sep 19, 2017 at 6:18 AM UTC
Untitled
Mahal, kaya ko pa Kaya ko namang maghintay kahit sa huling sagot mo pa'y Ayaw mo na Mahal, kaya ko pa Ilang beses nang dumaan Yung mga pagkakataong bitawan ka Pero mahal, ayoko Iba ka sakanila Kung dati'y nahahayaan ko pa Mahal, pasensya Kung ikaw kasi ang pinaguusapan talagang di ko kaya ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo ngunit di gagalaw tong mga paa ko Kasi mahal, Alam ko namang ayaw mo rin Pinipilit mo lang naman sa sarili mo na masyado pang maaga na mali kaya mo ko inilalayo sayo Kaya magpapakatanga ako Pwede bang hayaan mo ko? Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko Di pa ba sapat na hayaan mo ko? Sige, mahal Ayos lang Ipilit mo sa sarili mo Ilayo mo ko, Paghintayin ako Mahal, kaya ko pa Wag mo lang naman sanang ipilit na ginagago kita At kung naghihintay ka lang na sabihin kong Di kita mahal Pasensya, Ako na mismong nanloko sa sarili ko Kung ginawa ko man yon Mahal,  ipilit mo nang lahat Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman, Kasi mahal, Tangina, Mahal talaga kita
0
Dec 3, 2016
Dec 3, 2016 at 1:15 AM UTC
Kaya pa