Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kathangisip
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana Mula sa silangan ng iyong bintana Ang yungib at sulok ay aking pinapana Pagmasdan ako'y walang nakagagawa Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa Huwag nang subukan pakiusap ko nawa Sa payo ko ay makinig at matuwa Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa Sa paghihirap mo ako ang nananawa Sanggol na nagugutom na nagngangawa Hala gawa, nasa Diyos ang awa! Pakanluran ang aking binabagtas Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas Paumanhin sa kapangyarihan kong batas Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas Lulubog kung marating ang hangganan Magbabadya na ang kadiliman Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 4:06 AM UTC
Araw
Ang araw ay pumapatak na parang orasan Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan? Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan Teka sandali hanggang dito ka na lang Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang Akala niya ay wala nang hahadlang Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 6:17 PM UTC
Kamatayan
Nang isilang ka'y kasama mo na ako Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo Lahat ng kilos mo tinutularan ko At kahit nasaan ka ay naroroon ako Panahon ang nagturo sayo na mamulat At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa Bagamat madilim hindi mo makikita Halika sa liwanag at aking ipapakita Ang aking anyo na dati mo nang nakita Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo Sumayaw ka at tutularan ko Ngunit huwag sa dilim upang makita mo Magbalik tanaw sa iyong ala-ala Tuklasin ang aking talinhaga Paalam tapos na akong magpakilala Narito lamang ako lagi, aking paalala JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:02 PM UTC
Anino
Hayag ang liwanag ko sa gabi Kung walang ulap sa aking tabi Ako'y malaking ilaw na nakasindi Na tila hindi napupundi Ako'y gising sa gabi'ng malalim At nagsisilbing ilaw sa daang madilim Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim Kung ang langit ay makulimlim Ako'y tiyak na masisiyahan Kung sandaling pagmamasdan Lumabas mula sa iyong tahanan At mamangha sa ilalim ng buwan Buwan ang aking pangalan Masdan ang aking kagandahan Bituin ang aking mga kaibigan At ang tahanan namin ay ang kalawakan JGA
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:35 PM UTC
Buwan
Paano mangyayari ang atin? Kung imahinasyon lang ang iyong tingin sa akin? Gusto kitang kabigi at paibigin, Ngunit s'ya mismo ang nagpapigil sa'kin. Gustong lumayo upang hindi maangkin, Sapagkat ang puso ko'y gusto **** gamitin, Ngunit ayaw mo namang kumpletuhin. Ganito ka rin ba sa lahat? O sadyang nananaginip lang ako nang gising At inakalang ika'y mapapasa'kin? Gaano ba kahirap sabihin na akong gagamitin Upang s'ya'y mapasaiyo At ang puso ko nama'y malulumpo Ako ba'y nagpagamit At inisip na ginamit lang nang hindi ko ginusto? Ginusto ko rin naman diba? Ginusto kong umibig sayo kahit hindi ko alam kung ika'y totoo. -miss xEKIS
0
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:46 AM UTC
Kathang-isip