Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#katahimikan
Minsan ay katahimikan ang sagot Sa kamatayan Sa pagkakasakit Sa away pamilya Magtimpi Subukan **** maging gabi Puno ng ilaw ng buwan Puno ng lumbay ng kuliglig Gagawa Ang Diyos ng paraan At Ang gabi ay magiging bagong umaga Sinasayawan ng bulaklak ng buhay Binubuhay Ang matatabang gulay Maghintay lang ng sandali At maibubukas mo rin ang iyong bibig At aagos mula sa iyong looban Kung ano ang dapat sabihin Kung ano ang tamang sabihin
0
Sep 22, 2021
Sep 22, 2021 at 4:08 AM UTC
Katahimikan
Putik na nabuo mula sa luha at alikabok. Bulaklak ng damo na tumubo sa puntod. Isang  munting uod. Isang butil ng pulang buhangin. Bato sa kabundukan na tinutunaw ng hangin. Pulubi sa daan na namamalimos sa mga matang piniringan. Asin sa basong walang takip. Panyo sa upuan na pinakupas ng tubig-ulan. Munting ilaw na sumisilip sa silid-piitan. Isang sulat ng pamamaalam na nakaipit sa pintuan. Pahina ng kalendaryo na nakaligtaang pihitin. Kandila sa dilim na nakikipaglaro sa mga anino. Kabibe sa tabing-dagat na walang laman. Mga tunog na walang huni at nagsisilbing musika para sa mga bingi. Hibla ng buhok sa ibabaw ng gitara. Antipara na nakapatong sa lamesa. Pakpak ng tutubi na tinupok ng gasera. Isang tuyong dahon na sumabit sa bintana. Langaw na nabitag sa sapot ng gagamba. Kutsara sa tabi ng basag na pinggan. Mga basang uling sa hulmahan. Katahimikan. Usok na humahalik sa kalawakan.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:22 AM UTC
Lakbay-Diwa
Tila papatak na, Mula sa'king mga mata, Matang kay lungkot, May pinipilit ilimot. Silakbo nitong puso, Pusong nagdurugo, Di alam ang dahilan, Di alam ba't nasasaktan. Pinukaw ng sakit, Kalungkuta'y iginiit, Di alam kung bakit, Ganito pala ka pait. Ang katotohanan, Ang sagot sa katanungan, Ang tanging nagdulot, Ng poot na sa puso ko'y nanuot. Paano ko ba papakawalan? Kapag wala nang maramdaman, Huli na ba ang lahat? Ito ba ay nararapat? Ito ba ang mapapala ko? May nadadama pa ba ako? Ang sagot ay isang "Oo", Patunay ang mga luha kong dumaloy muli dahil sa'yo.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 1:05 PM UTC
Luha
pahiwatig _= hayaan **** ang sumpong ng katahimikan ko ang siyang maging gawi sa pag-sigaw ng puso ko habang dumarampi sa iyo ang tatlong ihip ng hangin sa tuwing ikaw ay nakaharap man o hindi sa salamin bagamat ikaw nga at ako magkabila man ang mundo pinag-adya ng di sinasadyang destino kagaya ng singsing na walang puno't dulo dahil sa kahabaan ng lansangan sa aking mga paglalakbay lakbay-diwa kong tinatahak kaibuturan ng hanap kong landas kaakibat ng paalala **** may gabay wag naman sanang maliligaw itong puso kong pigil-hininga habang pinapakinggan-inaawit sa kanta.......
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 9:55 AM UTC
=_ himig at pahiwatig _=