Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kasarinlan
Lubhang mapanganib ang sinumang daig ng isang dayuhan umibig sa 'di sinilangang bayan. O, anong poot at sigalot ang kanyang itinanim sa Kaluntiang nagbigay-lilim sa kanyang murang katawan, Upang silaban at yurakan ang kabanalan ng kasarinlan Ang magkapatid ng pisi ay 'di dapat magtunggali, Ngunit ang isang bayaran ay masahol pa sa kawatan Kaya ako'y nananawagan sa maringal kong Haring Bayan, O, kanyang tipunin Mga anak ng Dakilang Lahi, Handang paglingkuran ang lupang kinamulatan Pagkat ang aking lupang kinamulatan ay isang makatang manunulat, Siya ay bukal ng kaluwalhatian, Angkan ng kayumangging balat Samakatuwid, bigyang pansin ang nagngangalit na damdamin ng Sinaunang Mandirigma, Sa awit ng himagsikan dumaloy ang himig ng dangal, At sa kalupkop ng kanyang sandata lumigwak ang kagitingan magpasahanggang kamatayan, Sa ngalan ng kalayaan iamthe_avatar ©2016
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 5:52 PM UTC
Mga Anak ng Haring Bayan
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala naniniwalang kaya ko pang magpatuloy magpatuloy sa aking mga adhikain adhikain na nagsisilbing inspirasyon inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak mga anak na gagabay sa ating pagtanda sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe mensaheng dapat ingatan at gawing pribado pribado na hindi tulad ng aking buhay aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang  nagningas nagningas hanggang sa pumutok  ang araw ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN! kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA TULANG PINAMAGATAN KONG =_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 12:12 AM UTC
=_ PAANYAYA at PASINAYA _=
Nais ko lamang makita ang bayan, Sigla ng unawa sa kasarinlan. Bagkos natatanaw ang puot at pighati Sa lupaing nais muling ibalik. Bago sana idaing ang kawalan Sarili muna'y puno ng kasiglakan Bagamat pagtitiis ang ninais kabisaduhin Pananampalataya sa Diyos ang dapat isa-isip.
0
Jun 12, 2015
Jun 12, 2015 at 4:19 AM UTC
Buhay ang langit sa piling mo