Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kape
Sa mesa ng Dunkin, tasa’y malamig, Kape sa papel, lasang panaginip. May marka ng labi sa gilid ng tasa, Parang halik na naiwang walang paalam na sinta. Nagkakape ako, pero di para gisingin, Kundi para damhin ang mga hindi ko maamin. Sa bawat higop, may lihim na usapan, Na para bang multo ng nakaraan ang ka-table ko minsan. May donut sa plato, butas sa gitna, Tulad ng puso kong may kulang at sira. Sugar glaze na pilit nagpapasaya, Pero ang tamis, panandaliang pantasya. Ang pader ng café ay puno ng ingay, Pero sa loob ko'y katahimikan ang tunay. Nagbabasa sila ng menu, ako ng alaala, At sa likod ng aroma, may sakit na kumakawala. ‘Pag naubos ang kape, saka mo mapapansin, Na minsan pala, ang Dunkin ay libing. Hindi ng tao, kundi ng damdamin— Na matagal nang nilimot pero ayaw pa ring limutin.
0
May 29, 2025
May 29, 2025 at 11:54 PM UTC
"Dunkin’ Midnight"
Sa sulok ng Starbucks, naupo ako mag-isa, Tasa’y may pangalan—pero di ko kilala. Mocha sa loob, mainit na itim, Parang damdaming pinilit kong takpan sa dilim. May pangalan sa cup, sulat kamay ng crew, Pero ang tanong: “Alin ba sa’kin ang totoo sa view?” Grande ang size, pero hungkag sa laman, Tulad ng puso kong pagod na magmahal nang lubusan. Naghalong caffeine at hiningang mabigat, Bawat lagok, may tanong na di ko mailapat. Bakit tila lahat ng mabango ay may kirot? At ang tamis sa dulo, parang huling halik bago lubos na pagkalagot? May wi-fi at jazz, pero ang isip ko’y lagalag, Habang ang sugat sa loob, dahan-dahang bumibiyak. Barista’y ngumiti, sabi’y “enjoy your brew,” Di niya alam, ito ang huling tasa bago ako maglaho sa view. Lahat busy sa MacBook, ako busy sa multo, Mga alaala **** ininom ko ng buo. At sa dulo ng cup, may mensaheng nakasulat: "Some stories begin with coffee..." ...pero ‘yung sa’tin, doon natapos ang lahat.
0
May 29, 2025
May 29, 2025 at 11:52 PM UTC
"Grande Midnight"
timpla ng kape mas gusto ko'ng matamis sayo'y mapait
0
Apr 8, 2020
Apr 8, 2020 at 7:35 PM UTC
taglamig
Umalingawngaw ang huni ng mga ibon sa bukang liwayway. Ilang minuto rin akong naghintay hanggang sa kumulo na ang tubig; at nagsalin ako sa baso, nilagyan ng kape't asukal saka maingat na kinutaw gamit ang malamig na kutsara saka hinipan ang pinakaunang nasandok at nang aking malasahan ay unti-unting nagbalik sa akin ang nakaraan kasama si amang nabubuhay pa't tanaw kong umiinom ng kape... sa lilingkuran.
0
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:25 AM UTC
Kape
GISING! mainit na kape natutumbang mga mata nanghihinang katawan isip ko'y nawawala isang tinik ng ingay agad ng napatingin sa gawing banda roon anong takot sa dilim balik tayo sa mga salitang mala-linya na ang ukit sa utak kong sabaw lahat sa paningin na'y marikit maski nag-iisang ilaw nagmumukha ng tutubi pagkat sa pagdating ng bukas bawal ang magkamali ilang pahina nalang kaya't konti pang tiis minimithing tagumpay aking makakamit kaya't higop pa ng kape puta, dila ko pa'y nasunog dasal na lamang ang katapat maliban sa luha at uhog kakayanin, kakayanin hindi nais magtagal habang sila'y nagsasaya narito kang nag-aaral kung ayaw **** maiwan sa kwartong maputi kasama ng demonyo gisingin ang sarili walang alay na magaganap hindi maaaring ipabahala bawal tayong magtawag diyos-diyosan dito sa lupa itong mga matang bumibitaw, bumibitaw sa gabing ito, walang susuko maski budhi ko na'y sabaw
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 2:17 AM UTC
Sabaw
Ondo! Hain naman tong atong kasabutan nga kita maghigugma-ay pooreber? Ni bugnaw nalang ning kape og ni gahi nalang ang pan, sa sigeg huwat nimu  nga ma-abot ka sa akung atubangan. Ako gikapoy na og susama sa  kapeng bugnaw nga nahanaw ang katam-is og napuno sa kapa-it akung dughan.
0
Sep 12, 2014
Sep 12, 2014 at 2:23 AM UTC
Bugnaw nga kape