Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kanta
Oh matatapos pa ba ang pagbuklat ng mga pahina Tila tuloy tuloy ang daloy ng mga salita Salitang di na nasabi Di mo na narinig Naiwang mga kataga, di na nasambit Wala nang pagkakataon pa Pagka Ikot Ikot lamang rin naman pag tayo'y nag usap pa Di na rin matatapos ang damdamin Kung paikot Ikot lamang rin naman Hindi naman gaano kakumplikado Kaya pang ayusin, kung kaya pang ayusin ngunit aayusin na lamang na iba kapiling Mga di nasabing kataga, Ibubuod na lamang sa awiting ito Pagkat paikot Ikot lamang rin naman kung tayo'y mag uusap pa Di na rin matatapos ang agos ng mga luha Kung paikot Ikot lang rin naman Sa bawat tanong ng ibang tao, ni hindi alam saan o paano lulugar Paano ka ba kakamustahin Kung ang mga hangarin noon Ay 'yong nakamit na Maisasarado na ba ang libro At tuluyang mauubos ang mga pahina Matatapos na ba ang kwento nating dalwa
0
Nov 21, 2025
Nov 21, 2025 at 1:00 PM UTC
Pages
Kung mapapansin mo Sa bawat kanta Bawat himig Bawat talata ng liriko Sa bawat musika Na inaalay sayo Ikaw ang ibig sabihin, Ang tayo ang pinapahiwatig, Ang pagibig ko sayo ay pinapakita Ito'y simpleng pagpapakita Kung gano kita kagusto Kung gano kita kamahal Kung gano ka kaimportante Handa akong ibigay lahat Lahat ng listahan ng matatamis na kanta Sa kadahilanang hindi ako umaawit Napapa awit lamang kapag nakikitang kinikilig ka Okaya napapangiti ka Pwede naring napapasabay ka sa awit Sa awit na gusto kong ipahiwatig Bawat puso Bawat ibig sabihin Bawat gusto kong ipahiwatig Sana'y hindi magbago Ang pakikitungo Dahil marami pa Marami pa akong Nakahandang listahan. Salamat at tinanggap mo Lahat ng mga kantang inaalay sayo Huwag magalala ikaw lang Ang binigyan ko ng mga kantang Minsan lamang madinig Ng karamihan.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 4:28 AM UTC
Kanta, musika at liriko
ang hirap mamatayan ng sigla mula sa dating kinahiligan pagkanta, pagsusulat at iba pa at mas mahirap bumuhay ng namamatay na sigla dahil ang oras ay limitado kahati ang responsibilidad sa mundo at ang dating nagniningas ay humihina na lalong hindi naging mas madali gumawa ng orihinal na bumabase sa gusto ng lipunan o tumatalima sa kasalukuyan o bumabagay sa kapaligiran nawa sa mga taong nakukulangan ng apoy ay bumuhos ang mala-gasolinang inspirasyon at matapos na ang mga kanta mga kwento, liriko pagpinta at mga blangkong espasyo na nag-aasam ng yakap mula sa mga letra, kulay, linya at kung ano pa mang ekspresyon na galing sayo dahil ang matapos ang mga ito ay hindi mo inutang sa mga taong mapangmata nandiskrimina at nanghusga ito'y para mabuo ka muli
0
Jan 14, 2020
Jan 14, 2020 at 7:43 AM UTC
Passion
di ko alam kung ako lang ang ganito o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto. nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno, buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig. isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.” isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel ay magkakaroon ng kahulugan. oo. madalas akong ganito. na andaming gustong sabihin ng utak ko pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo. bakit ang dali magsulat? pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat? minsan, nananalangin ako na sana may taong lalapit dito para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko. ngunit kahit meron mang ganung tao, alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto. dahil ang mga salita na galing sa utak ko, na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta. kaya oo. kahit hirap na hirap ako, na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko, tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito. dahil onti onti kong naiintindihan na ang lungkot, saya, o mapa ano man, ay iba iba ang kahulugan sa tao. pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
0
Apr 6, 2019
Apr 6, 2019 at 6:36 PM UTC
sulat
Ilang oras na akong di makatulog, Paulit-ulit lang naman ang reklamo. Gusto lang kitang makalimutan, Gusto na kitang makalimutan.
0
Dec 10, 2018
Dec 10, 2018 at 12:09 PM UTC
Gusto Na Kita.
Isang buntong hininga Kapalit ng libo-libong alaala Na dala ng mga kanta Na dati'y inalay niya sayo, sinta
0
Aug 12, 2017
Aug 12, 2017 at 11:00 AM UTC
Buntong hininga
'First ray of light I saw with my eyes Face seemed to me the world in size, Called her Maa when, I don’t know! Was ready to me, the world to show... 'I don’t remember the tears of pain Tearful eyes while a child to gain, Joy rolled down from head to toe! Was ready to me, the world to show... 'Kept me safe from even a scratch None must find forever a match, I call her Maa, I will always call so! Was ready to me, the world to show... 'Mistakes I have done so many more You have led me but the right door, Helped me find the right place to go Was ready to me, the world to show... 'In my darkest hours to live You have always hands to give, You have always Yes, never No...! Are ready to me, the world to show... 'I am heavenly blessed getting you As my soul guide always new, You have much to teach me though...! Are ready to me, the world to show... 'Hard is the time and long is the way I am blessed having you still today, I admit so clearly to you, I owe...! Are ready to me, the world to show...
0
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 7:16 AM UTC
~The Mother~