Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kamay
nalaman ko lamang ngayon na tayo ay di nababagay sa takbo ng realidad na ating kinabibilangan sabi nila kapag sila'y magkasama humihinto ang oras ngunit kapag ika'y kasama patuloy na umaandar ang mga kamay sa aking relo bibilangin ang bawat segundong pumapatak habang dinaramdam ang haplos ng iyong palad sa aking kamay at sa bawat minutong daraan ay mamasdan ang iyong mga puwang sa gitna ng iyong mga daliri at kung bakit tugma lamang kapag pinatong ko ang akin tila ginawa ang iyong mga daliri upang punan ang mga puwang sa aking sarili ngayo'y ako'y maglalakad hawak ang iyong kamay at mamumuhay sa taliwas na realidad at ikaw ang aking karamay
0
Aug 25, 2017
Aug 25, 2017 at 4:23 PM UTC
Taliwas
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan Naitatala nito ang takdang oras. Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat Segundo, minuto at oras sa bawat araw na lumilipas. Ngayong araw na ito, tila sadyang nagmamadali ang yaring mga kamay na parang bang may hinahabol. Hindi naman sila mga paa Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay, nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito. Na kung sila’y magkakabuhay lamang Ay aking itatanong, “’Hindi pa ba kayo napapagod?” Akala ko ba’y Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan Ay ito’y patuloy na tatakbo? Tatakbo at tatakbo. Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito at hindi lalayo. Iikot ng iikot. Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil. Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil, kung sadyang naubusan ng batirya, kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya. Ngunit sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata, 'Di ko nabatid kung isang panaginip o isang realidad na nga ba ang aking narating. Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo ay bigla na lamang huminto. Ang pagkumpas ng oras ay nabigo. Ang panahon natin ay naglaho.
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 12:44 PM UTC
Sa ikalawa ng Disyembre
baka ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong ibabangon ka sa aspaltong magaspang na iyong kababagsakan. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong pupunasan mga luhang manggagaling sa'yong mga mata. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong pagagalingin mga gasgas sa tuhod **** ngayo'y nanginginig. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong handang buhatin ka kung sakaling di na kayang maglakad pa. Hindi ako magsasawang paalalahanang magingat ka na baka ika'y madapa pero wag na wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito ako hindi lang mga kamay ko handang saluhin ka sa tuwing ikaw ay madadapa.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:54 PM UTC
Magingat ka