Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kaluluwa
naglalakad sa gitna ng kadiliman at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan ang pighati ay dinadala sa paglalakbay ilang patalim na ang aking tinahak makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais binalot ng pait at galit sa paghihirap may pag-asa pa nga bang matatanaw sa isang paglalakbay na puno ng sakit isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa mababatid pa nga ba ang kinabukasan sa paglalakbay na puno ng hinagpis at pag-inda ng mabibigat na dalahin sa isang pikit-matang paghihirap.
0
Dec 20, 2019
Dec 20, 2019 at 7:52 AM UTC
pikit mata
Nakikiramay ang langit sa inyong ganap na pagpanaw, naghihintay nang inyong pagdating at pagharap sa Maykapal. ©2019
0
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 1:16 AM UTC
Pakikiramay