Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kalimutan
Pwede ba, na sa bawat pag-gising At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok Ang sinag ng araw sa aking bintana Ay makakalimutan ka na? Dala na ang kamao **** tila nakabalot Sa aking pinunong dibdib Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba? Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw Balang araw, sana nga. Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo Ako'y pagod na. Pagod nang magparamdam, makiramdam Makaramdam ng purong pagdamdam Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman Tama na. Kung maaaring mawalay na Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag. Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan! At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak. Gusto sana kitang tanungin Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi. Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro Lahat ng barikan na aking nalalaman Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman. Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing Nangangamoy alak at naglalasang halik mo Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo. Ngayon, ika'y masaya na at kuntento Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil Tila tintang nakamansta sa puting palamuti Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin Kay hirap nang hubarin at tanggalin Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso Pero, sa huli, kinailangang limutin At iparaya ang damdaming nakakulong parin Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin. Aking nawalay na sinta Maaari bang ika'y pakawalan na? Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang Pwede ba, kakalimutan na kita?
0
Mar 31, 2020
Mar 31, 2020 at 2:02 PM UTC
Pwede ba, kakalimutan na kita?

Continue reading...
68
Ilang oras na akong di makatulog, Paulit-ulit lang naman ang reklamo. Gusto lang kitang makalimutan, Gusto na kitang makalimutan.
0
Dec 10, 2018
Dec 10, 2018 at 12:09 PM UTC
Gusto Na Kita.
'wag mo kong kalimutan' mga katagang sinambit mo habang pinipilit **** tanggalin ang iyong kamay sa aking kamay 'wag mo kong kalimutan' mga katagang sinambit noong panahon na ang mundo natin ay nagtatagpo sa isang segundo lamang 'wag mo kong kalimutan' mga katagang nagpaikot sa atin na ating pinaniwalaan at pinagtibay ngunit ang tadhana'y mapaglaro ngayon ang katagang ito ay winasak tayo pinaiyak at dinurog sa isang segundo lamng ngayon ang katagang ito ay isang uri na lamang sa katagang nilimot ng ating panahon at kinakalimutan  natin ngayon
0
Jan 5, 2018
Jan 5, 2018 at 4:53 AM UTC
wag mo kong kalimutan
Ang buhay nga naman, Puno ng lungkot at kaligayahan, Subalit wala tayong magagawa, Tiisin nalang kung ano ang mapapala. Diyos ko, ako'y tulungan nyo, Sa aking landas na tinutungo, Landas na puno ng sagabal, Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal. Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi, Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti, Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan, Dahil sa damdamin kong nanlalaban. Minsan di ko maiwasan, Na masabi ang tunay na nilalaman, Ng puso at di ng isipan, Kaya minsan, ginagawang katatwanan. Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito, Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro, Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan, Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan. Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan, Ang minsang inisip matapos magtawanan, Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga, Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga. Ang binansagan nating pinakamagandang biro, Ang sa mga luha ko'y nagpatulo, Tumulo dahil sa kakatawa, Tawang may kasunod na pagdurusa. Pagdrusa dahil masakit, Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit? Ngunit masasabi ito'y panandalian, Dahil pagkatapos nitoy masasaktan, Para bang ang gusto ko'y ibinigay, Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay, Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad, Ako na mismo ang unang naglahad. Subalit nakakatawa naman talaga, Sabihan ba naman kita ng "mahal kita", Tono palang kalokohan na, Masasai **** baligho ang ideya. Aminado akong iyo'y kabilaghuan, Ngunit wala na akong magagawa dyan, Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan, Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
0
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Baligho

44