Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#kahirapan
Ilatag mo na ang bagong kutson sa sahig ng malaking silid na may kisameng abot langit. Ipaghehele ka ng ugong ng nagdaraan at bulong-bulungan ng palabas na ikaw ang minsang pinagmamasdan. Ibulong mo ang iyong panalangin, pasasalamat o paghihinagpis, na nawa sa pagsikat ng araw, magkatotoo na ang panaginip. Ilang beses ka na bang pumipikit nang iniisip na hindi na sana muling didilat pa?
0
Mar 17, 2020
Mar 17, 2020 at 3:56 PM UTC
Isang Gabi sa Buhay Nila
Malalagkit na mga halik Amoy ng alak at yosi, kumakapit sa damit Kaunting barya, puri ang kapalit Eto ang turo ni inay "Kapalan mo ang lipstick anak, hindi magtatagal ikaw di'y masasanay" manipis na tela ang bumalot sa murang katawan ni Teresa "Sariwang-sariwa!" hindi magkamayaw ang mga kalalakihan Sa entablado kinalimutan ang nagdurusang puso binalatan nang dahandahan -Tula XI, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:27 AM UTC
Tula XI
Napabuntong-hininga na lamang Tila ba tumatakbo ang bubutil na pawis sa noo niya Sasabak na naman si Tatang sa gyera Pilit binuhat ang sakong mas mabigat pa sa kanya Marupok na ang mga buto Ngunit hindi ang puso Ang wika nya, "Walang hindi gagawin para sa apo." Si Nena, sampu na ang anak Hindi na magkanda-ugaga Iiyak ang isa, gutom naman sa kabila Sa sususunod na buwan, malapit na siyang manganak Ang ama ng mga bata, naroon sa kanto nagpapakalunod sa alak Sabi nga nila, walang hindi gagawin ang magulang para sa anak. Tanghaling tapat na, almusal pa rin ang hinahanap Natulala na lamang si Nena nang malaman, ang tatay niya'y patay na -Tula X, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:22 AM UTC
Tula X