Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#junkterrorbill
"Kalayaan" - Isang tula para sa kinabukasan Lahat ng kabataan ay kayang lumaban Sa bansa na hindi ipinaglaban Animo'y pasista ang kanilang galawan Hanggang sa pinatay nila nang tuluyan ang kalayaan Inang bayan, parating na ang iyong kaarawan Giniba ka na ng suntok ng mga kalaban Sa iyong kaarawan, hindi ka pa rin ipinaglaban Ngunit ang ginawa, pinaslang nila ang boses ng mga mamamayan Sa demokrasya binagsak ang prangkisa Na binagsak ulit ng mga pasista. Sa likas ng tapang ng mga kayumanggi Nandito na kami para bumawi Ang kulay aking binabanggit, Na akala ko noon ay pangit, Pero taglay ito ng lakas Para umalis ang mga nangahas Sa ganda ng bansa natin, iisa lang naman ang kulay natin Kaya naman nating isulong ang rebolusyon, para sa soberanya Taglay naman natin ang sigaw ng pagkakaisa Sapagkat, oras nang umaksyon ang masa.
0
Jul 16, 2020
Jul 16, 2020 at 9:40 AM UTC
Humanay!
Araw-araw bumabangon sa sariling saliw; ginigising ng gutom na kumakahig sa bituka. Minsa'y may buwan pa. Minsa'y may araw na. Palagian, walang laman ang platong hapag sa sahig na simot sa mumo. Katamaran! Katamaran ang limang-minutong pahinga mula sa pag-araro ng lupang 'di pag-aari. Katamaran ang pag-inom ng tubig sa gitna ng pagkayod sa araw na tirik. Batugan kung tawagan - palamunin - mga litid na sakal, makabagong alipin. Mga matang idinilat ng karahasan, mga iyak na busal ng kasadong bala - Ngayon, gigising. Gigisingin hindi ng kalam sa tiyan. Binalda ng pang-uumit - bubulabugin ng kapagalan mula sa impyernong tahi ng bukirin. Gigising sa sariling saliw; hindi sa gutom na gumuguhit sa bituka. Gigising Gigisingin ng pakikibaka.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 12:27 PM UTC
Gising
you can try to cover my mouth close my eyes block my ears and put my hand down but you can never stop a heart that shouts for her rights a heart who wants to resist because a heart that loves loves so hard and if she fights she fights so hard
0
Jun 3, 2020
Jun 3, 2020 at 1:21 PM UTC
fight