Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#isip
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"
May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Ayaw akong bitawan Hindi ko magawang kalimutan Kalunos lunos Parang hayop na hindi Makahanap ng tubig At nakahandusay Sa kanyang ina. May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Pinagtatawanan ang aking Pagsusumikap. Iniinsulto ang aking ngiti Nagdudulot ng tagtuyot Sa sanlibutan ng aking Kaluluwa May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Nagtatago sa aking kuwarto At lumalabas sa sarili niyang oras May sariling bibliya na naglalaman Ng kasinungalingan at kahayupan May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Unti-unti akong pinapalitan Inoorasan, hinuhusgahan Sinisiklaban ang aking Mga panaginip May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Naglalayag sa dagat ng itim na araw Pinipilipit ang aking mga laman loob At pumpatay ng mga inosente May trahedya na kumakapit Say aking katawan Pinipilit kong pakainin Patahimikin, pagurin Ngunit hindi magawang Kaibiganin
0
Mar 28, 2021
Mar 28, 2021 at 9:19 AM UTC
May trahedya
di ko alam kung ako lang ang ganito o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto. nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno, buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig. isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.” isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel ay magkakaroon ng kahulugan. oo. madalas akong ganito. na andaming gustong sabihin ng utak ko pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo. bakit ang dali magsulat? pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat? minsan, nananalangin ako na sana may taong lalapit dito para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko. ngunit kahit meron mang ganung tao, alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto. dahil ang mga salita na galing sa utak ko, na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta. kaya oo. kahit hirap na hirap ako, na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko, tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito. dahil onti onti kong naiintindihan na ang lungkot, saya, o mapa ano man, ay iba iba ang kahulugan sa tao. pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
0
Apr 6, 2019
Apr 6, 2019 at 6:36 PM UTC
sulat
Nakahigang pilit na nagmamasid Sa madilim na apat na sulok ng silid Ang sakit ay hindi pa rin lingid Kahit na tiyak ang luhang nangingilid Binabalot ng malamig na kalungkutan Ang puso'ng di alam kung nahihirapan Humahanap ng kumot sa isipan Mainit na yakap sana'y masumpungan Heto na nga at nalulunod na ako At hininga'y kinakapos sa isipan ko Pakiusap sana'y panaginip na lang ito Sapagkat sa paglangoy pagod na ako Isipan ay lubos akong pinahihirapan Tila laging mayroong digmaan Sa silid ng nakabibinging katahimikan Ang isip ay matinding naglalaban Sumapit na ang umaga Ako'y wagi sa pakikibaka Sa kalabang sariling likha Ng isipang puno ng katha
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:17 AM UTC
Silid
kung ang tula ay di akma sa paksa ng may akda ano pang talim meron ang talinghaga kung wala nang talas sa bawat talastasan nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan sa palabigkasan ng huwarang balagtasan meron pa nga bang halaga ang mga rima sa tuwinang wala namang ka-eskrima ang taludturang may tatlo-hang tugma manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig meron akong ikukuwento mga saknong na naimbento ito'y mula pa sa " KONTENTO " sa una niyong bahagi ano daw ang sinabi? heto't muli kong ihahabi ang hadlang at paslang na kapwa pumailanlang sa makatang may lalang 1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire) 2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind) 3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water) 4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth) 5) matapos ang pagyuko ,,,,tingalain ang Kaitaasan ....Ika-limang KONTENTO (love) ---walang hanggang mararanasan! 1) APOY 2) HANGIN 3) TUBIG 4) LUPA 5) PAG-IBIG
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:09 AM UTC
~lakbay-diwa~
Makikinig ba ako sa aking isip na dati pa namang magulo?
0
Sep 28, 2015
Sep 28, 2015 at 2:28 AM UTC
Lyric
panahon nang sumulat… muli… hubaran ang puso’t bulatlatin ang mga alaala. para saan pa’t sa maraming tao’y inimbak ang luha ng nakaraan, kung ito’y kailanma’y hindi mapapakinabangan? kaya’t patawad, puso, sa aking sayo’y pagpapaluhang muli. salamat, isip, sa iyong pagpapaunlak sa hiling na paminsan pa’y isatitik silang kapagdaka’y lumisan din. 060915
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:43 PM UTC
panahon nang sumulat