Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#ilaw
Hayag ang liwanag ko sa gabi Kung walang ulap sa aking tabi Ako'y malaking ilaw na nakasindi Na tila hindi napupundi Ako'y gising sa gabi'ng malalim At nagsisilbing ilaw sa daang madilim Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim Kung ang langit ay makulimlim Ako'y tiyak na masisiyahan Kung sandaling pagmamasdan Lumabas mula sa iyong tahanan At mamangha sa ilalim ng buwan Buwan ang aking pangalan Masdan ang aking kagandahan Bituin ang aking mga kaibigan At ang tahanan namin ay ang kalawakan JGA
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:35 PM UTC
Buwan
Tuyo na ang iilang rosas, Ngunit amoy paring sampagita. Kasama ng pinggan sa mesa; Na walang baso, tinidor, ni kutsara. Habang pinalilibutan ng mga bubog, At bawat piraso'y bumabaon sa aking pulso, Ang pagdugo ay hindi mapigil Na sumasabay sa mabagal na musika. Dati'y isa lamang itong bumbilya, Subalit sa ngayon ay di' ko na muling mabuo, Siyang mainit ang yakap sa gabi, Ngayo'y tuluyan nang naglaho.
0
Apr 19, 2017
Apr 19, 2017 at 2:07 PM UTC
Ilaw