Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#hiwaga
Sa bawat salitang binibigkas ng labi mo, Para bang dinadala ako sa ibang mundo. Sa mundo na kung saan kalmado ang puso at pansamantalang pwedeng lumayo. Sa mundo na espesyal ako kahit papa'no. Alam kong hindi pa malalim ang nararamdaman mo, sinta. Maski ako man ay hindi pa handa. Ngunit hayaan **** ako’y magpasalamat sa saya At kalinga na iyong dala. Nung minsan, tinawag mo akong mahiwaga. Pero hindi mo alam na ikaw ang mas makinang na tala.
0
Nov 18, 2020
Nov 18, 2020 at 1:38 PM UTC
Puhon
Kay tagal kong hinitay Ang iyong mga salita Ang iyong buhay Na tila isang talata Ng ibat ibang nobela Na Sayo lahat nakakda Ibat ibang istorya Na iisa ang hiwaga Sa pangalan mo kinuha Ang milyong milyong diwata Kauri mo ang mga tala Kumikinang ng maganda Isa kang panahon ng ginhawa Katapusan ng kadiliman Laging may kinabukasan
0
May 2, 2018
May 2, 2018 at 5:57 AM UTC
Bagong liwanag