Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#handog
Kung ikalulugod mo at ako'y pagbibigyan at iyong tatanggapin ang aking pag-aalay. Ang buong kagalingan ko'y iyong maasahang ihahandog sa yapak mo aking Paraluman. Hindi ko maibigay sa'yo ang katiyakang sa iyong mangingibig ako'y nakakalamang. Ngunit maasahan **** ang hangaring dalisay ay walang makakadaig kahit sino pa man. Nababatid kong ikaw ay may pinipithaya, kung gawing panukat ko'y aking kinabahagya. Ngunit kung papalaring lilingunin mo Sinta'y hindi ko sasayangin ang matatamong tuwa.
0
Sep 6, 2020
Sep 6, 2020 at 8:32 AM UTC
Pangakong Handog
Sa tuwing maaalala ko ang mga sandali, Na ikaw ay aking kapiling. Hindi maipinta ang ngiti sa aking labi, Abot kamay na ang langit na aking hiniling. Mga panahong nandito ka pa, Lahat ng palihim na yakap at halik. Bawat luha at halakahak, Iyong malambot na pingi'y aking hawak. Ngunit tila hindi ko napangalagaan, Unti-unting lumuwag ang pagkakapit. Ating naging huling sandali'y sadyang mapait, At alam kong hindi na maibabalik ang nakaraan. Pero iyo sanang mawari, Na ikaw ay namumukod tangi. At hinding-hindi ko na kayang itanggi, Ako sayo'y nangungulila, ayoko ng magkunwari. Salamat sa pag-ibig mo, Ito'y mananatili sa akin. Salamat sa pag-ibig mo, Ikaw lamang ang nakapagpadama.
0
Jul 29, 2019
Jul 29, 2019 at 6:08 PM UTC
Bee y Onsé.
Tanggaping magiliw itong pag-ibig ko Tangi kong damdamin para lamang sayo Sana ay pagbigyan itong aking puso Na sa iyo sinta ay nagsusumamo. Ibig kong magbalik ang nangakaraan Ang dating masaya't tapat na ibigan, Ang dating may ngiting walang mapagsidlan At maging ang dating ikaw'y mahalikan. Iniwan mo ako't sinaktan ng labis Nagtataka ako't bakit namimilit Itong aking puso na ikaw'y masungkit Gayung alam ko na mundo mo ay langit. Alam ko ang mali at inibig kita Ngunit, gusto ko lang malaman mo sinta Na kahit tayo may hindi na't wala na Aking aamining mahal pa rin kita.
0
Jul 28, 2016
Jul 28, 2016 at 9:20 PM UTC
Mahal Pa Rin Kita
Kapagka ang yeso ang ipinambato Doon sa madaldal na estudyante mo, At saka-sakaling tamaan ang ulo, Bala ang babalik sayo mismong noo! Kapagka pambura'y ipahid sa mukha Niyong mag-aaral na tatanga-tanga, Pakaiwasan mo't baka maging kawa Yaong igaganti sa iyong ginawa! Kapagka ang pluma ang siyang ginamit Sayong panghuhusga'y mag-ingat na labis; Sapagkat di tinta yaong ipapalit, Kundi ang dugo **** mas nakakahigit! Kapagka ang luha'y mamatak sa lupa Niyong estudyanteng labis na nagdusa-- Pakaasahan mo't gaganti ang bata, Ika'y sisingilin hanggang sa pagtanda!
0
Jun 17, 2016
Jun 17, 2016 at 9:22 AM UTC
Sa Mga ****