Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#gago
Minsan mapapaisip ka na lang kung ikaw ba ay nagkulang o siya yung di lumaban. Mapapaisip ka na lang kung tama bang ikaw ang nahihirapan, patuloy na lumalaban, gulo’y subok na iniwasan, upang di lang siya masaktan. Mapapaisip ka na lang kung kaya ka ba iniwan kasi kahit gaano mo ipaglaban — na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan umuuwi ka paring luhaan. Tama ba na tratuhin ka ng ganito? na parang laruan na pag sawa na sa iba, ikaw naman ang gusto? Tama ba na maramdaman mo ang sakit na nasa iyong puso kasi pinili mo siya kahit alam ng utak mo na di siya nakakatulong sayo? Tama ba na sa dinami dami ng taong araw araw na kumakausap sa’yo, dito ka pa nahulog sa taong di ka naman isasalo? Ang dami kong sinasabi sa ibang tao na maraming gago sa mundo na di dapat sila papaloko. Pero sa dulo din pala, ako yung magmamahal ng tulad mo. Pasalamat ka, ako na yung nagparaya siguro kasi di ko na rin kaya lalo na’t nakita kitang may kasamang iba. Tinago mo pa, sinabi **** kaibigan mo lang siya ngunit ang totoo pala, pag di tayo magkasama tumatakbo ka pabalik sa kanya. Di na rin siguro ako magtataka kung bakit mas pinili mo siya baka dahil ang puso nyo’y nagtugma o mas magaling lang siya sa kama. Bakit nga ba ako nagpakatanga? Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita, mga pangakong di ko alam kung matutupad ba o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”   Sinabi ng mga magulang ko na lahat ng tao pinanganak ng may puso na kailangan mo lang intindihin at mahalin dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin. Pero akalain mo yun, may mga tao palang tulad mo na di mo alam kung wala ba siyang puso o ipinaglihi sa demonyo. Nakakatawa ka, na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras sayo ko lahat nawaldas buti sana kung nababalik mo ’to pero wala, ginawa mo akong uto uto. Isa kang patunay na may mga taong na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay nag hahanap ka parin sa iba ng wala kang kamalay malay. Ngayon, tapos na ako. Di ko kailangan ang isang tulad mo. Sa lahat ng gago sa mundo, ikaw pa ang pinili ko, ikaw pa ang minahal ko, ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito, ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso. Pero salamat din sa’yo dahil kung hindi sa pang-gagago mo hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko. Andami kong natutunan di lang tungkol sa mga tulad mo kundi pati na rin sa sarili ko: na kaya ko palang magmahal ng ganito na kaya ko palang lumaban ng husto na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso. Ngayong, mag isa na ulit ako, mas masaya na ako. Kaya sa susunod na darating sa buhay ko, tandaan mo nagmahal ako ng gago kaya ayusin mo ang buhay mo kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
0
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 3:57 AM UTC
Sa Lahat ng Gago sa Mundo

Continue reading...
94
Dumating na ang araw na aking kinatatakutan Yung araw na di na tayo nagpapansinan Hindi ko man to dapat nararamdaman Pero sa sobrang pagmamahal di ko na to kaya pang pigilan Alam ko naman na ako'y isang hamak lang na kaibigan At hinding hindi mapapasayo kailanman Alam mo ba kung bakit hindi ako nagbabago? Kasi mahal kita. Oo, mahal kita. gago Minura kita kasi kailanman di mo naman ako kayang mahalin Minura kita kasi ang tanga mo para di ako pansinin Ngayon ako itong nagpapakatanga kapapantasya sayo Oo gago rin ako para maghintay sa pagmamahal mo
0
Feb 3, 2016
Feb 3, 2016 at 4:10 AM UTC
Mahal Kasi Kita
gago ka pinaiyak mo ko but all I want to do is scurry down these hollow halls and scream **** you too*
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 8:26 AM UTC
this 4th of October
Nakakasawa nang mag isip ng mga salita Para sa mga taong hindi naman nakakakita Lahat isinisigaw sa hangin Mga nakatago at nabubulok na damdamin Sa kadahilanang ito, ako nalang ay kakain Nang ang oras ay hindi na masayang pa Buti pa sa Jollibee, bida ang saya
0
Apr 13, 2015
Apr 13, 2015 at 8:59 AM UTC
Hirap Mag-isip ng Title