Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#gabi
May sigaw ang puso ko na walang marinig, Mga salitang gustong kumawala pero laging tikom ang bibig, Mga tanong sa isip ko na hindi ko masambit, At sa bawat gabi, pakiramdam ko’y ako lang mag-isa sa dilim. May bigat sa dibdib na hindi ko maibaba, Parang pasan ko ang mundo kahit wala namang nakikita, Gusto kong umiyak pero tila walang luha, Sa bawat paghinga ko, pagod lang ang dala. Bakit ganito kung wala namang malinaw na sagot? Bakit ang puso ko’y puno ng galit at takot? Gusto kong kumawala sa hawak ng lungkot, Pero may humihila sa akin pababa ito ang damdaming puno ng poot. Gusto kong tumayo at muling lumaban, Gusto kong hanapin ang liwanag sa daan, Pero sa tuwing susubok akong kumawala sa kadiliman, May aninong hahawak at ako’y ibabagsak muli sa kawalan. Sana balang araw ako’y makalaya, Sa mga tanong, sa galit, sa bigat na dala, Sana ang pusong ito’y muling sumaya, At hindi na muling hilahin paibaba.
0
Feb 26
Feb 26, 2026 at 10:46 AM UTC
Isang Pusong Tahimik
Sa bawat iniisip kita tuwing hatinggabi, Binibilang ang mga dahilan kung bakit nandito pa rin ako—naghihintay. Kahit sa panaginip na lang tayo nagtatagpo, Sana’y muling masilayan, kahit sa isang saglit na totoo. Hindi ko hinangad ang ganda—babaw lang iyon sa paningin. Hindi ko hinanap ang bait—karaniwan na lang iyon kung iisipin. Hindi ko kailangan ang yaman; wala itong halaga sa akin. Narito pa rin ako dahil sa iyo, at sa iyong mga turo. Tinuruan mo akong magmahal nang tunay. Na ayos lang ang hindi maging maayos sa gitna ng lumbay, At may lakas sa pag-amin ng pusong marunong lumuha. Ngunit sa gitna ng hindi pagkakaunawaan, puso mo’y aking nasira. Ngayon, sa katahimikan ng malalim na gabi, Maaari pa bang balikan ang kahapong nagdaan? Mahanap ko kaya ang lakas na alagaan ka nang tama, Kahit abutin pa ng maraming taon ang paghihintay, Maaari bang ang pag-ibig ay maging walang hanggan? Sa halip na ang takot na naging sanhi ng iyong pagkawala?
0
Feb 22
Feb 22, 2026 at 6:57 AM UTC
Gusto kita makasama buong gabi
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi, 'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali; Kasama ka sa bawat oras na magdaan, Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan. Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan, Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan; Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan, Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan. Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag, Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag; At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan, Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan. O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi, "Ikaw ba'y Araw at Gabi?"
0
Mar 25, 2024
Mar 25, 2024 at 10:00 AM UTC
Araw at Gabi
nakilala mo na ang dilim sa paglipad ng bawat segundo at ng bawat minuto sa iyong puso hindi naman dulot ng gabi ang lagim sadyang nakakagambala lang ang kanyang ingay sa mga tenga **** naghihintay ng walang humpay narinig na niya lahat ng iyong lihim sa mga paghikbi at mga luha na bilisang pinapawi sa bawat aliw, poot man, o panimdim, ika'y humiga at magtimpi sapagkat ito'y hiram lang manatili kang payapa, at ang iyong isipan. manalangin ka na lamang ng taimtim baka bukas aawit sayo ang mga puno't halaman makakarating kana sa patutunguhan
0
Feb 5, 2021
Feb 5, 2021 at 11:48 AM UTC
papag
Oh, kung masakit na sa paningin ang sinag ko na dapat ay nagbibigay liwanag sayo, Darating naman ang gabi, iiwas sa realidad, na kasama mo Baka mas madali mo makita ang kinang na hanap mo, kapag madilim at mag isa, Ako, maghihintay lang na dumating yung oras na nakalaan sa akin para tanglawan mo.
0
Oct 14, 2020
Oct 14, 2020 at 10:43 AM UTC
Optika: Araw at Gabi
at dito tayo magtatagpo sa gitna ng pag agaw ng umaga at dilim habang ika'y papaalis kasama ang mga bituin ako'y lalayag para isabit sa kalangitan ang iyong araw. magandang umaga, magandang gabi.
0
May 11, 2020
May 11, 2020 at 5:12 PM UTC
tagpuan
Takot akong mag-isa Takot akong harapin ang apat na dingding na makakasama ko sa gabi Narinig na nila akong kumanta Ng mga sinasayawan ng kalungkutan na himig Takot akong kamustahin ng mga unan na nabulungan na ng mga kasalanan Ng mga kumpisal ng mga pinakatatago kong lihim Naulanan na sila ng mga luha Na resulta ng ilang beses na pagtalalo Na nagaganap sa utak ko Hindi ko rin maintindihan Walang nakakaalam Na sa tuwing gabi na tanging ang hininga ko lang ang naririnig tanging ang puso na lang ang may ganang magdagdag ng segundo, paulit-ulit walang nakakaalam kung gaano kalalim ang nilalakbay ng isip, kung gaano kadilim ang suhestiyon ng mga boses na nagtatakda madalas na akong nakikinig sa kanila pinipilit kong bugawin ngunit mas malakas sila sa ‘kin natatakot akong mag isa natatakot ako sa mga gabing ako lang ang nagpapatulog sa sarili natatakot ako sa mga susunod pa _hindi ka ba natatakot sa mga boses na nagpapatulog sa 'yo tuwing gabi?_
0
Jan 17, 2018
Jan 17, 2018 at 8:45 AM UTC
Untitled
Kinain ng kadiliman ang buong daigdig Saksi ang mga kabundukan at karagatan Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit Nagkalat sa buong lupain ang pait Ang sakit Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian Ang gabi'y hindi isang kaibigan Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At oo Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan Ngunit lahat ng ito ay nakatago Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto Ipunin ang mga delubyo Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At walang sinuman ang makakasaksi nito Dahil ang dilim ay inipon ko At ang buhay ay kikitilin Ang hininga ay lalagutin Ang sarili ay papatayin At lalong walang makakasaksi na sinuman Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan At sa wakas Nandito na ang wakas
0
Dec 28, 2017
Dec 28, 2017 at 8:57 AM UTC
Gabi
binigyan na naman ng isang gabi ang puso para mahimlay sa mga kumot na nagsilbing museleo ng naghihintay hinagkan ang hangin at tinuring na kaibigan binalikan ang buhay na unang kinamulatan.
0
Dec 10, 2017
Dec 10, 2017 at 3:31 AM UTC
Gabi
*Lumalalim na ang gabi Mga mata mo'y tila may sinasabi Ang mga labi natin ay napapakagat Bugso ng damdamin ay hindi na maawat Sa bawat hakbang mo papalapit Dibdib ko ay parang naiipit Kinakabahan dahil ika'y nasa aking harapan Wala ng atrasan di na ito mapipigilan Ang iyong pisngi ay aking hahawakan Dahan dahan kitang hahalikan Bababa ang mga kamay ko sa bewang mo Hilahin kita papalapit sa katawan ko Paligid natin ay tila umiinit Hindi na ata kailangan ang ating mga damit Ang gabing ito ay atin na atin Sulitin, Wag sayangin, Hindi tayo mabibitin*
0
Aug 23, 2015
Aug 23, 2015 at 11:24 AM UTC
Atin ang gabi
Gabi-gabi Sa unan ay dali tumatabi, Nananabik Mata'y pumikit, Bibig humilik, Panaginip Kitang mahagkan at makapiling.
0
Jul 17, 2015
Jul 17, 2015 at 3:58 PM UTC
Panaginip