Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#elemento
kung ang tula ay di akma sa paksa ng may akda ano pang talim meron ang talinghaga kung wala nang talas sa bawat talastasan nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan sa palabigkasan ng huwarang balagtasan meron pa nga bang halaga ang mga rima sa tuwinang wala namang ka-eskrima ang taludturang may tatlo-hang tugma manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig meron akong ikukuwento mga saknong na naimbento ito'y mula pa sa " KONTENTO " sa una niyong bahagi ano daw ang sinabi? heto't muli kong ihahabi ang hadlang at paslang na kapwa pumailanlang sa makatang may lalang 1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire) 2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind) 3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water) 4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth) 5) matapos ang pagyuko ,,,,tingalain ang Kaitaasan ....Ika-limang KONTENTO (love) ---walang hanggang mararanasan! 1) APOY 2) HANGIN 3) TUBIG 4) LUPA 5) PAG-IBIG
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:09 AM UTC
~lakbay-diwa~