Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#diwa
Ang mabuhay ay ang hanapin ang ligayang hindi matatagpuan kung hindi payapa ang diwa. Ang mabuhay ay ang panatilihing payapa ang diwang hindi makakamtan kung walang ligaya.
0
Oct 9, 2020
Oct 9, 2020 at 7:11 AM UTC
Si Diwa at si Ligaya
Isang halimbawa ng magandang asal Mumunting dasal kanyang inuusal Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga? Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag Laban sa tanghali upang isip ay malinangan Kanyang ituturo talagang kaabang abang Ito’y magagamit bilang pananggalang Bilang anak at estudyante ako ay humahanga Isa kang modelo, isang tunay na dakila Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa Umalis man o mawala kasama ka sa gunita Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:04 PM UTC
****
pahiwatig _= hayaan **** ang sumpong ng katahimikan ko ang siyang maging gawi sa pag-sigaw ng puso ko habang dumarampi sa iyo ang tatlong ihip ng hangin sa tuwing ikaw ay nakaharap man o hindi sa salamin bagamat ikaw nga at ako magkabila man ang mundo pinag-adya ng di sinasadyang destino kagaya ng singsing na walang puno't dulo dahil sa kahabaan ng lansangan sa aking mga paglalakbay lakbay-diwa kong tinatahak kaibuturan ng hanap kong landas kaakibat ng paalala **** may gabay wag naman sanang maliligaw itong puso kong pigil-hininga habang pinapakinggan-inaawit sa kanta.......
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 9:55 AM UTC
=_ himig at pahiwatig _=
Sa kulay-kape **** mga mata, nakita niya ang kanyang halaga. Ang iyong ngiti ang silbing niyang liwanag, nagbigay sa diwa niya ng tatag. Yakap mo'y kanyang tahanan, siyang nagbibigay ng gaan. Hindi man mabigkas ng bibig ang salita, siya'y kuntento na sa iyong gawa. Ika'y isang wikang walang tinig, ngunit sa kanya'y isang magandang himig. -Steph Dionisio, September 09, 2015
0
Sep 9, 2015
Sep 9, 2015 at 6:27 AM UTC
® Wikang Walang Tinig
May panapos din ang mga salita o parirala o pangungusap na di-buo ang diwa Maaari ring hintuan ng mga patlang ang saglit na katahimikan Tunay na isang pang-uyam ang linggwistika ng pag-ibig Para sa isang taong tulad kong napagod na hanapin Ang katapusan ng mga pangungusap na di mahintuhan
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 8:54 AM UTC
panapos (ngunit kapos)