Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#distansya
Sa distansya umusbong ang lahat Kung paano nagkrus ang ating mga landas Na sa dinarami-rami ng tao’y ikaw pa Sa simpleng pagbati mo nagmula
 Sa distansya tumibay ang relasyon Nagpakatatag sa panahong magkalayo Kinubli ang hirap ng mga pagbabago Nanahimik sa likod ng maraming tanong Sa distansya nagsimula ang problema Kawalan ng tiwala ang naging ugat Pag-iisip kung nararapat pa bang ipaglaban At hawakan ang pangakong unting unting nawawala
 At sa ‘di inaasahan, sa distansya rin nagtapos Tumigil nang maniwala sa “Kaya natin ‘to” Napagkasunduan at magkasamang nagdesisyon Napagtantong pag-ibig ay ‘di sapat sa isang relasyon
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 2:15 PM UTC
distansya
Kung distansya ang kailangan upang mapaglapit muli ang ating mga loob, Hayaan mo kong lisanin tong mundo para lang mapagsama muli ang pagsusuyong napagiwanan ng tadhana. Sa aking pagbabalik, 'Wag mo sanang malimutan na ako pa rin ang iyong kailangan At ikaw lang ang aking kanlungan. Patungo sa kaunlarang Aking inaasam, Hanggang lahat ay di pa huli, Hindi ako magpapahanap Ngunit Ako sana'y iyong matagpuan muli. (g.d.) (c.p.)
0
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 9:10 PM UTC
Distansya