Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#dinyobanaririnig
Ang EDSA ay kumakaway Ang bayan ay nakaratay Saklolo ay hinihintay Marami nang napapatay Ang EDSA ay tumatawag Ang baya’y di makapalag Pambabastos di masalag Kahit mali’y pumapayag Sinungaling, hindi tapat Pati lahat n’yang kasabwat Naniwala naman lahat Instant solve daw droga’t kawat Ngunit ngayo’y malinaw na Na ginawa tayong tanga Magnanakaw 'nilibing pa na bayani, An'yare na? Ang EDSA’y nagmamadali Kaliluha’y naghahari Tama’y ginagawang mali Ang ganito’y di maari Bayan noo’y nagkaisa Diktadura'y itinumba Karapatan ng balana Hindi pwedeng ibasura Diktadura’y hindi dapat Mapabalik at magkalat Kapag kapit-bisig lahat Lakas ay walang katapat Ang ‘EDSA One’ ay larawan Nanindigang sambayanan Aral ay hwag kalimutan Kalayaa’y IPAGLABAN!
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 3:32 AM UTC
Ang EDSA ay Tumatawag (Di N'yo Ba Naririnig? - Walong Dalit)