Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#digmaan
Mga balang nagliliparan Sa lahat ng panig nagpapalitan Sa mga sandaling hindi mapigilan Buhay ang binabayaran Sigaw ng isa ay kalayaan At ang kabila ay kayamanan Sana'y mayroong hangganan Hiling ng mga nasusugatan Isusugal ang lahat upang makamit Ang bagay na iginigiit Nang puso na lahat ay ipagpapalit Upang masumpungan ang mas lalo pang higit Sa kalayaan ay walang pag-big Dugo ang kanilang tubig Armas ang kanilang bibig Dahas ang nakasulat sa mga bisig Ang pag kitil nga ba ang sagot Sa lahat ng ating mga sigalot? Tila ba lubusan nang nakalimot At sa sanlibutan ay nagmistulang mga salot
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 1:57 PM UTC
Digmaan