Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#daruanak
Itinaboy ako ng hiraya sa pusod ng Iyong pag-iral. Anupa't taal kang Binibini ng kahulugan at nahulog na Damdamin. Hindi ba't kanina lang dinuyan ako ng Malamyos **** tinig, habang sinasagwan Ko ang lalim ng iyong alindog at lawak ng Pusong handog? Saglit tayong namanata sa takip-silim, Isiniwalat ang hindi makita ng paningin, Ang hindi maunawaan ng damdamin.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:44 AM UTC
Daruanak
Kung sakaling mapadpad Dito ang balahibo ng pakpak Ni Icarus, huwag **** hayaang Mawaglit sa iyong isip ang bilin Ko ukol sa ika-10 ng Enero. Ito ang araw kung kailan nagpasya Ang buwan na yakapin ang araw, Hindi dahil sa tiyak na liwanag, Kundi dahil sa katiyakan ng hiwaga. Kasabay ng metapisikal na pagniniig Na ito ang huling hatol ng Daruanak Sa Binibining nabighani sa binistay Na luha ng makata. Makikita pa sa panganorin ang unang Sulyap sa huling alapaap ng dilim. Ngunit wala na ang kulog, maging Ang pagkahulog sa bitag ng ligalig. Alalahanin mo na lang ang dagat at Ang pangako nitong kapahingahan Kung sakaling sa paghahanap natin Sa bahag-hari ay wala na sa ating Maiwan kundi mga guho, mga mumo Ng mga musmos na puso. Ang Mahalaga lahat ng ito'y nakatalá na Sa mga tála.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:47 AM UTC
MGA TALÁ NG TÁLA