Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#dalampasigan
ako'y pupungas-pungas ngunit pinili ang mata'y isarado pinilit matulog, nagbabakasakaling ang payapang panagip ay bumalik; ako'y nasa lugar na nais sa lugar na lahat ay tunay, sa lugar kung saan walang madla, sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama sa likod ng ngiting pinapakita. nakaupo sa pino ngunit puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, at pinapakinggan ang tila walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan isip ko'y binabaha ng mga salitang hindi mailabas, sa tahimik na lugar na nais nagtanong sa sarili, "mayroon pa bang saysay itong buhay na walang halaga?"
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC
isla
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
0
Oct 6, 2019
Oct 6, 2019 at 8:49 AM UTC
Sabay Tayong Sumagwan
takbo mo'y karipas sa bawat ahon na humahampas. pinipilit tumakas sa mga buhanging nakakalas. ngiti mo'y di mapawi, tingin ko'y di mawari. sinasabi mo'y sari-sari, buhok ko'y lagi **** hinahawi. buntong hininga ang tanging ipinalit. wala ka manlang bang kamalit-malit? kama'y mo ay sa aki'y ikinawit, sa akin ay ngumiti ka saglit. pilit tinutugunan, salita mo'y ako ay naambunan. tayo'y nagtatawagan, diri sa isang munting dalampasigan. ikaw lamang ay maging masaya. o aking sintang giliw, ako'y kuntento na. makita kang nakangiti't tawa, sa aki'y iyo'y sapat na.
0
Jul 13, 2018
Jul 13, 2018 at 8:25 AM UTC
dalampasigan