Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#dagliangnaglaho
Sinabi ko naman sayo Na may abandonment issues ako Na dinaig pa ng pinandidirihan at kinatatakutan kong mga mahahabang bulate Ang takot kong maiwan nalang basta basta Para akong isang turistang naghahandang tumalon sa isang napakataas na bundok Isa isang kinabit ang mga harness sa aking katawan Maingat at ekspertong mga kamay ang siyang naninigurong ligtas ako sa gagawing pagsubok Habang ako'y nanginginig at kinakabahan Pinagpapawisan Ang kamay, noo, paa, batok, likod, ilong at maging ang mga kili-kili Malawak ang paligid at dapat ay maalwan ang paghinga Ngunit ito'y tila kinakapos Sige lang. Kaya ko to. Matatapos din to. Kasama naman kita, hindi ba? Nagpaalala ang guide Ngunit ako'y nag-aabang lang sa sinasabing signal Tanda na magsisimula na ang pagbagsak Ang lakas ng hangin Hindi ba to makaaapekto mamaya sa amin? Pinapwesto kami ng guide 'Pano kapag hindi ko kinaya?' Nagbibilang na siya 'Matatapos ko ba?' Ibaba na nila. 'Hindi na mahalaga. Kasama ko naman siya.' Isa Dalawa Tat-- Teka. Teka. Asa'n ka na?
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 2:08 AM UTC
Dagliang Naglaho