Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#bulalakaw
dito ka sana kumislap, dito ka sana bumagsak, handa na aking yakap, itatabi ang iyong iyak, ... sa iyong pagbagsak.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 4:22 AM UTC
bulalakaw
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan? ang naisin ang paglaho ang pagkasabik sa destinasyon ang madaling paglisan mga maling kamay na kanlungan ilang beses na tayo nagbabakasakali sa 'di mabilang na pagpapasubali sa mga bahay na akala natin ay tahanan sa mga taong ilang beses napaghandaan sa mga _baka sakaling_ hindi tayo iiwan o ang _tiwalang_ hindi tayo lilisan mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas? may magbibigay ba ng kasiguraduhan? dahil isa lang ang sigurado ngayon ang walang pag-aalinglangang pagod ang pagsuko ang sunod-sunod na pagkalunod ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan mga walang katuturan, _dapat_ pinilit nating manatili bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi tignan mo ang mga bituin isa tayo sa kanila o ang mga bulalakaw, mga bato na pinagliyab ng damdamin tignan natin ang ganda mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila mamaya na natin pag-isipan na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na pagmasdan natin ang ganda mamaya na natin pag-usapan ang pagkawala matapos ang pagbagsak 'wag na nating itatak sa mga munting isipan ang nagbabadyang katapusan dahil alam na natin ang kahihinatnan sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan hintayin na lang natin ang katapusan.
0
Feb 20, 2018
Feb 20, 2018 at 9:02 AM UTC
Untitled
Sasapit na ang alas dose, Ngunit nakatulala pa din Hinihintay ang bulalakaw, Na kalangita'y liparin Ngunit nang aking mabanaagan Ito'y 'di na darating Ako'y nakatulog, At 'di na muling nagising.
0
Mar 8, 2017
Mar 8, 2017 at 12:46 PM UTC
Bulalakaw