Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#bukas
Mga kahapong Napabalikwas Mga bukas Na hindi na mangyayari Mga ngayo'y Di na mauulit Parang Mga nararamdaman mo'y Kahapon Mga tawanan nating Bukas Mga nangyayaring Parang ngayon Lahat sila Nabaliktwas Di na mangyayari At di na mauulit muli.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 6:14 PM UTC
Mga
Hindi ako magsisinungaling, marami na akong nakilalang kagaya mo. Kaya laging nagtatanong mga kaibigan ko, "ano ba espesyal sa taong 'to?" Hindi ko rin masagot. Ano nga bang meron sa'yo? Saan ba ko nahulog, Sa mga ngiti **** di ko malimutan, sa kamay **** hirap akong bitawan, o sa boses **** araw-araw kong gusto marinig? Sa'yo. Sa'yo mismo, ikaw ang sagot. Ikaw ang sagot sa mga tanong ko. ngunit mananatili na lang na kulang kulang at may patlang ang pag-ibig na ito. Itinadhana tayong magkakilala ngunit hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Pero baka bukas, magbago ang mga bagay bagay. Baka bukas, mag-iba ang ihip ng hangin. sana na bukas, pag mulat ng aking mga mata katabi ka na. sana bukas, pag mulat ng aking mga mata, akin ka na. dumaan ang ilang bukas, may mahal ka nang iba.
0
Jun 5, 2018
Jun 5, 2018 at 1:29 PM UTC
Sana bukas
Naaalala ko pa yung araw na maging tayo Pakiramdam ko noon tumama ako sa lotto, Yung tipong tila ba’y ayaw kong tayo’y magkalayo Tapos malingat lang hanap na nang hanap sayo… Lumipas yung mga araw naguumpisa na ang ating istorya Istorya na hinubog ng pagsubok at pagtitiwala Mga tao sa paligid ambag sa kwento natin ay iba-iba Yung iba nakakatulong, yung iba naman nakakasira… Umabot sa buwan tayo’y patuloy na tumatatag Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang sa ati’y hinahapag, Walang sukuan, alitan natin naaayos natin sa loob ng magdamag Para sa pangakong relasyon natin na sinuma’y di kayang matibag… Taon na ang binibilang panibagong kabatana nanaman, Kahit mas tumindi ang bagyo, kaya natin lagpasan… Kahit minsan, mabigat na, patuloy parin lumalaban Mga binuo nating pangarap di natin binitawan… Tumagal pa at tumatagal mas minamahal pa kita Mas may ngiti at tawanan mapapansin sa ating pagsasama Ang alitan at problema parang sa ati’y wala na, Dahil mas malaki na ang tiwala natin sa isa’t-isa… Patuloy na binibilang at pinagtitibay ng panahon Pagmamahalan nating di kayang sirain ng bagyo o alon, Ang pangakong pag-ibig na walang kondisyon, Ating ipinaglalaban at ipaglalaban KAHAPON, BUKAS, NGAYON! ©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:09 AM UTC
Kahapon, Bukas, Ngayon
sa panimula tila isang bula hindi dahil sa lumutang at nag-laho mangyari'y kulumpon na bahagi'y hinango mula sa batya ng hula samu't sari nakadaupang-palad hiraya manawari maikubli ang luha bunga ng mga pangakong di natupad sampung letra pababa sa puntong ito naitalaga mga bakas ng nakalipas nakatakdang ipamalas upang ang ngayon maging ang hinaharap yayakapin ng bukas nang may paglingap ano man ang mangyari sa agenda kompromiso ang tanging propaganda [3 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters] © copyright 2015 - All Rights Reserved
0
Dec 15, 2015
Dec 15, 2015 at 6:58 AM UTC
C O M P R O M I S E (10L)