Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#brewedcoffeepoems
Tila namanhid na ang babahaang landas walang patid ang agos ng luha, habang walang habas ang malupit na lilik-panggamas - patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas. Kahit mura pa ang uhay ng nagbubuntis na palay Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay: Walang sinanto ang pakay ng aninong sumalakay. Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay tuyung-tuyô, tila balóng patáy. Ubos na ang mga ninuno sa Purok Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok nangalat na sa malalayong pook Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok Ang lamping ibinalot, balót na ng usok. Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok. Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya. May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka. Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Ay! Lipa!
0
Dec 2, 2021
Dec 2, 2021 at 11:48 PM UTC
Kapeng Barako XVII (Panahong Karipas)
Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit Namnamin ang pampagising na pait Habang ang likas na tamis, nilalasang pilit Sa ‘yong lalamunang sabik, ang init guguhit. Tulad ng bawat pagtatanghal, sa isip di mawaglit Todo-bigay ang birit, tila laging huling hirit. Araw-araw mang nakikita ang Bundok Malarayat Hindi nagsasawang sulyapan ang Silangan pagmulat Bawat araw na tayo'y buhay, may dalang sigla’t galak. Hwag nang ipitin ang kwadrong alas o otso Di na magiging mahalaga kung sino nga ba’ng nanalo Kapag ang mga kalaro sa pusoy ay wala na ni anino. Hagkan si Habagat at yakapin si Amihan, Daluyong ma’y ihatid, sa kabila’y walang ganyan Di-pinansing hininga’y aapuhapin sa paglisan Ang lupang hinamak, tinapak-tapakan Ang lupa ring naghandog ng susing kabuhayan Ang lupa ring hihimlayan sa huling hantungan. Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit Kapeng barako’y masarap habang mainit Ngunit wala nang bisa sa huling pagpatak ng saglit Lasaping mabuti bawat lagok, bango’y langhapin Kapeng barako’y larawan ng pagbangon at paggising Ng bawat araw, biyayang pasasalamata’t tatanggapin.
0
Jul 21, 2021
Jul 21, 2021 at 8:37 AM UTC
Kapeng Barako XVI (Bawat Araw ay Biyaya)
Ang Lipa ng aking kabataan, tila kumakatawan, sumasalamin sa mahal nating Inang Bayan Ilang tampalasan na ang dumaan Kolera eltor, malaria, pesteng balang Mga sundalong Hapon, mga sakang Malulupit na kampon ni Kamatayan Dumaan pa ang sakit na kalawang sa dahon ng kapeng inaalagaan At bukbok sa bungang manibalang, nanlalaglag, di na pakikinabangan. Ngunit ibang klase itong ngayo’y salot Bala ay di nakikita, mala-bola daw ang balot at tila may mumunting galamay na nakakakilabot at masusundan ka, sa’n ka man sumuot. Binago ng COVID ang ating kapalaran, pananaw, pagkilos, pati kabuhayan Nakita kung alin at sino ang dapat pahalagahan at kung sino ang tunay na karamay at kaibigan. Kung sa nilagang kape pa ang pagtutularan kitang-kita kung alin ang latak at alin ang matapang. Nawa’y may masalok na pag-asa sa Silangan, Nawa’y may malagok tayong kaligtasan.
0
Jun 30, 2021
Jun 30, 2021 at 10:27 PM UTC
Kapeng Barako XV
Naampat na ang dugô, patay na ang mga bayanì Pipi’t ampaw nakatayo ang katahimikang naghahari Tulog ang diyos, Impô, mga aswang nakangiti Matatapos na ang “Aba po!” lasing pa rin ang kudyapi Kahit matapang ang kape Di mahulasan ang kapre. Ginayumang mamamayan Tila bulag, tanga’t mangmang Kapag may nagugulantang Lalayas na rin, ‘kita’y iniiwan. Ito ang alamat ng taumbayang niloloko at patuloy na nagpapaloko; ng bayang pinagsamantalahan, ng bayang pinabayaan.
0
Mar 28, 2021
Mar 28, 2021 at 1:43 AM UTC
Kapeng Barako XIV (Bayang Pinabayaan)
Binabaran ng mainit na kapeng barako ang naiwang tutóng sa lumang kaldero, walang panamà ang kaning binudburan ng niyadyad na tabliya sa panlasa ng até at bunso magkasamang nagmimiryenda - matamis na bukayo matamis na ala-ala . . . Tanyag ang tamis ng sintunis singkom man o lado limot na ang hagupit ng mga Hapones na malulupit ng kahapong ayaw umidlip. Nag-aanyaya ng pag-akyat ang puno ng bitungol, halikayo manibalang pa ang iba ngunit tamang-hinog na pangkulunggo sa mga isipang nahihilo’t nalilito. Maghapon lamang ang kabataan - mabilis, mabilis na dumaan Orasyon na ngayon, wika ng impô Huwag magpapaabot ng sireno Pag di’y sip-on ang aanihin n'yo! Opo, opo, Dala-dalang buslô Taglay ang naiwang litrato sa sulok ng isipan, ng balintata-o. Sa lahing hindi sumuko, magkakasama tayo.
0
Mar 26, 2021
Mar 26, 2021 at 7:57 AM UTC
Kapeng Barako XIII (Liping Di Sumuko)
Bumalikwas ang madaling araw Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi Isang paos na tilaok pinilit magsabi Tila inutil na tuod ang unan at papag Walang tugon ni tikhim man lang para sa likod at ulong lumapat Mapagkunwari ang kulambo Lamok pala’y kalaguyo Akala ng balana’y karamay Sa magdamag na paglalamay Batang ipinaglihi sa Sto Niño Ibebenta pala sa demonyo Naglaga ng kape ang among kapre Butil daw ay hinirang ng musang na tumae Galapong pala’y napanis na sapal Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal Bang-aw na ang panatikong tagasunod Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:           Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!           Copy-paste-post - sige pa!           Ang perang kikitain ay mas mahalaga           May paburger pa sina konsi at mayora           O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa? Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga Kinain na ng anay ang papel at pluma.
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 4:41 PM UTC
Kapeng Barako XII
Ilang dekada na ba ang lumipas mula nang huling namúti ng mga labong sa kawayanan sa dulo ng kapirasong lupang minana sa kanunuan ng angkan? May bakas pa sa daanan ang dug-out na tinabunan na ng mga naputol na sanga at mga winalis na dahon, naputol na sanga at bubot na bunga ng mga chico, caimito at mangga, na palaging inaakyat ng mga kuya at nang-iinggit pa kunwari tuwina at pagkababa’y mamimigay rin pala - dug-out na tagapagligtas, taguan noong panahong tila baga’y kani-kanina lamang, sa mga mababangis na kempeitai, sa malupit na pandaigdigang giyera. Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero, umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo pagkatapos ng Liberation naging kaminero mga kabayo’y kinatay ng mga bakero na sila ring nambayoneta ng maraming tao pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo pati mga musmos at mga inang nagpapasuso kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó. Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan at walang napulot na aral sa kasaysayan ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon at malawak na highway ang dating batalan at tuklong Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan, palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom. At ngayon, wala nang mananakop na Hapon. pero may pumapasok na bagong panginoon - Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 7:28 AM UTC
Kapeng Barako XI
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

Continue reading...
58