Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#babalik
Babalik pa ba? Ako pa ba'y aasa? Na ikaw ay babalik kapag ako ay nag-antay Kay hirap tanggapin Na ngayon ay hindi ka na sa akin Nakasandal, nakatabi buong magdamagan hanggang mag umaga Ipaliwanag mo kung bakit ba Dahil ako ay umaasa pa Na ika'y mahagkan, makayakap Muling makausap Bawat sandali At kung makita kang kasama siya 'Di maiwasan na ako'y manghina Magmamanhid ang katawan Gulong-gulo na ang aking isipan Babalik pa ba? Alam mo namang ikaw lang ang aking iniisip Mula pag gising at pag-sapit ng dilim Tila suntok sa buwan Hinahanap ka kung san-san Na lang ako napapadpad ngunit di ka parin matagpuan Babalik pa ba?
0
May 12, 2015
May 12, 2015 at 10:52 AM UTC
Babalik Pa Ba?