Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#aromanticspectrum
Hindi kailan man umiba ang pintig ng puso, Pusong ikinabit sa mga emosyon, Emosyon na hindi malaman kung bakit nagsimula, Nagsimula at bumuhay sa magugulong pangarap, Pangarap na magmamahal ngunit hindi kayang isuko, Isuko ang puso para sa iba. Iba, iyan sila. At iba ka rin sakanila, Sakanila na nagsasabing darating din ang araw na magmamahal, Magmamahal ng buong puso at kaluluwa, Kaluluwang hindi sigurado kung totoo nga ba, Totoo nga bang may kahati ka, May kahati ka, at ako nga ba? Ngunit lumipas ang panahon, Panahon na nasayang sa paghahanap sa tutugon, Tutugon sa kaisipang itinatak nila sa isipan, Sa isipan kong naguguluhan. Ngunit aking napagtanto, Napagtanto na hindi lahat iibig sa alam nilang paraan, Paraan kung saan ang dalawa o higit pang tao ay pupunan ang kakulangan, Kakulangan na sabi nila'y mabubuo lamang, Mabubuo lamang kapag nagtagpo ang mga pusong natutong magmahalan. Ngunit paano nga ba magmahal? Magmahal ng isinusuko ang lahat, Lahat na gagawin ko rin sa aking mga kaibigan, Mga kaibigang handang pakinggan, Pakinggan tulad ng pakikinig sa boses mo, Sa boses mo na tila tumugon sa boses ko, Sa boses ko na bigla nalang din natigilan. Ngunit hindi ito para sa'yo, Sa'yo kung saan may nagpatigil ng tinig ko, Tinig ko na nagtatanong nanaman, Nagtatanong nanaman kung bakit tila may mali sa sariling pagkakakilanlan, Pagkakakilanlan sa puso at sa pagmamahal nitong alam. Isang araw gumising nalang, Gumising nalang at napagalaman, Napagalaman na maraming paraan ng pagmamahal, Pagmamahal na posible minsan, Minsan... o siguro nga'y kadalasan, Kadalasan ay iba ang pagkaunawa, Pagkaunawa sa pag-ibig na pilit nilang itinatatak sa isipan.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 5:05 AM UTC
Paano Nga Ba Magmahal?

Continue reading...
40
Forgot to love me in 2016 Had my first boyfriend, innocent as it seemed Dumped my first guy and realized I never even cried Starting dating a lot Cuz thats what you do Never the right person, didnt like to choose They asked me out, and I said yes Didnt think to second guess Ten years later, I'm eighteen Dated so much, I lost me And I realized why I never cried Why I was fine being just friends I date too much cuz it's a crutch... But... My heart was never in it Cant love someone if you don't love yourself And I'd take all the love in the world over wealth Saw myself in the mirror Broken glass half empty boy filled with fear And I realized... I was never here Three days ago I got a boyfriend A week ago I figured out why I had trouble feeling love Two years ago I got touched and it was too much, not enough I'm scared of intimacy but I'm touch starved And I have a heart that needs time to feel Dont think I should be dating... Think I need time to heal Gotta get back what I lost In 2016
0
Apr 20
Apr 20, 2026 at 6:31 PM UTC
What I lost in 2016