Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#apoy
Isinulat mo sa hangin ang mga salitang mapagkunwari, pilit **** pinunasan ang dugo gamit tinta ng dalangin. Ngunit bawat pahina'y saksi, bawat letra'y sumisigaw— hindi kayang takpan ng papel ang apoy na umaalab sa ilaw. Sa sulok ng liham, may lintik na hindi mo naikubli, gumuguhit ang galit sa pagitan ng mga titik na itinatangi. Akala mo'y tahimik ang silid na puno ng dasal, pero sa bawat pagkumpas ng hangin, may apoy na pumapagalaw. Sinulatan mo ng kapayapaan ang digmaang ikaw ang may pakana, itinupi mo ang katotohanan sa sobre ng iyong drama. Pero ang papel ay marupok, at ang apoy ay matapat— kapag umabot ang init, lahat ng kasinungalingan ay matatapat. Ang tinta'y hindi lang panulat—iyan ay pulso ng sugatang kamay, at ang bawat tuldok ay bala sa dibdib **** salat sa dangal. Itago mo man sa lihim ang punit na panaghoy, lulusot at lulusob ang apoy sa bawat gupit ng buhay. Kahit balot ng bulaan, kahit pilit **** ikubli, sumisigaw ang sigwa sa gitna ng mga labi. Dahil hindi mo maitatago—kahit pa ipilit **** ngumiti— ang apoy ay umahon na. At ikaw ang unang masisigì.
0
Apr 15, 2025
Apr 15, 2025 at 12:33 AM UTC
"Hindi Mo Maitatago ang Apoy sa Papel"
Tila apoy na nakapapaso Sa tuwing pinatatalon ang puso Nangangambang baka naglalaro Kaya papatayin ang apoy sa puso Apoy nga ay pilit kong pinapatay Sa tuwing pinagniningas mo panay Lumalapit ka't sinasanay Ang pusong tila natatangay Matutulad nga ba sa mga nagdaan Na akala mo ako ay nariyan Ngunit palihim palang nilalayuan Kung unti-unting makapasok ng tuluyan Hanggang kailan magtatago sa kulungan At ang lahat ay pinagtatabuyan Mag-iisa ka nga sa hanggahanan Kung mananatiling hangal sa sukdulan. JGA
0
Jul 4, 2021
Jul 4, 2021 at 11:37 AM UTC
Apoy
saan nga ba nagmula ang aking masamang balak Kung kapupulotan ng aral o kapupulutan ng alak Anong kahahantungan nitong simpleng inuman Sa sobrang kalasingan katabi na ang naging pulutan Papel na madaling mapunit madali ring nagliliyab Kanyang Damdaming malupit madali ring nagaalab Nang nakipaglaro ako ng apoy lahat biglang nalaglag Ang abo sa mga panaghoy dali daling pinagpag Saplot ng mahinang katawan lahat natupok dahil sa init Pusong may kapahangasan Naging marupok sa labis na galit Ngayon alam ko na kung bakit di masaya kumain ng magisa Dahil ang luto ng Diyos sinta  pinagsasalonan para lang sa dalwa. Patawarin ako ng aking mga magulang, inay at itay Pagkat di ko namalayang nasusunog na pala ang aming bahay
0
Sep 29, 2018
Sep 29, 2018 at 2:54 AM UTC
Laro Sa Apoy