Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#antok
Apatnapu't limang minuto makalipas ang alas-dose. Umaga na naman -- umaga na naman pipikit ang mga mata kong kasingbigat na ng ulap na napuno ng tubig mula sa lupa at dagat. Mapungay at napapaluha dulot ng pasakit na hatid ng walang sawang sulatin, babasahin, at kung anu-ano pang mga dapat tapusin. Mga labi kong medyo nakabuka na marahil akala nila'y tapos na ang lahat ng gawain kaya namamahinga. At muli silang sasara, kasingbilis ng motorsiklong humaharurot sa labasan na parang nakikipagkarera, kapag naiisip na malayo pa ako sa pagtuldok sa katapusan. Tumatabingi na ang mundo. Ay, mali, ulo ko lang pala na napapahiga na sa aking kanang balikat tila may sariling isip at ginugusto nang humiga sa kama -- akala niya rin siguro'y matatapos na sa pagsusulat at pagbabasa ngunit sadyang nagkakamali siya. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tunog na ginagawa ng aking mga daliri na kay bagal nang bumaba para pindutin ang mga letra sa aking kompyuter. Suko na raw sila at nasasabik na silang muling mayakap ang malalambot na unan na nag-aantay sa kanila. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tunog na lang ng pagbagsak ng aking mga daliri sa bawat letra ng aking laptop ang pumapasok sa aking utak. Ilang minuto na nakatitig sa iisang pahina... Sa iisang talata... Sa iisang pangungusap... Sa iisang letra... Blag!
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 9:16 AM UTC
Antok Na Ako
inaantok ako sa tunog ng printer kung paanong ang mga ngipin nito ay kumikiskis sa papel na tila ba kinakagat ito ngunit hindi ganoon kasakit may halong harot sa pagitan nila landian ng mga bagay inaantok ako sa tunog ng maraming papel bulto bultong pinapantay at iniuuntog sa mesa na tila ba'y naghahalinghingan na dulot ng pagtatalik may halong harot sa pagitan ng mga ito landian ng mga bagay inaantok ako sa paglagapak ng stapler sa sahig na tila ba'y unang pagkikita bugso ng damdamin sa muling pagsasama may halong harot sa pagitan nila landian ng mga bagay inaantok ako sa walang humpay na pagbukas ng pinto ang sayaw na nagmumula sa kahoy na ito tila ba'y sinasayawan ang lahat at kinukumbinsi na umuwi na tayo may halong harot sa pagitan nito landian ng mga bagay inaantok na ko
0
Nov 2, 2019
Nov 2, 2019 at 6:24 AM UTC
landian ng mga bagay