Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#anino
Sa silong ng gabi’y may sayaw ng liwanag, Na tila'y bituing naligaw sa ulap. Ngiti’y nakapako, ngunit may panglaw, Sa mata’y may apoy na malamig ang galaw. Mga salitang tila ginto sa hangin, Ngunit kapag hawak. abo’t panaginip din. Lunas na lason ang haplos sa laman, Tahimik ang sigaw ng kaluluwang wasak. Lumulutang sa lambong ng usok na itim, Para bang langit, ngunit walang awitin. Hinahabol ang oras sa loob ng bote, Kahit ang mundo'y umiikot sa mote. Hindi na kilala ang sariling mukha, Sa salamin ng guniguni’t maling akala. Bangkay na humihinga, mata'y nakapikit, Nilunod ng ulap ang liwanag sa isip.
0
Apr 12, 2025
Apr 12, 2025 at 4:10 AM UTC
Anino sa Usok
Sa kabila ng ngiti ay ang pusong sugatan at umiiyak ‘Di mawala sa isip ang bangungot na halos gabi-gabing kumakatok sa pinto ng ala-ala Paggising ay panibagong umaga na nababalot ng liwanag at dilim Pinipilit kalimutan… Ngumingiti kahit nasasaktan. Ayaw maalala ang sumpa ng salitang kailanma’y di na magagamot Sa isipan ay mga bunganga ng taong nagagalit at sumisigaw Nais malimutan ngunit patuloy pa rin ang pagbalik Iwaksi man ng paulit-ulit ngunit para ng pilat sa katawan dulot ng malalim na taga. Lumayo para makalimot ngunit sa tuwing pumipikit ay naandoon ang nakakatakot na anino Anino na nakasakay sa likod habang ang mga kamay ay nakasakal sa leeg Hindi na makahinga parang mapuputulan na ng buhay Tumawag sa Kanya… Ipinakita ang halaga at kulay ng mundo Oh kadenang nakatali sa mga paa, sana ito’y mawala na Pagod na ang isip at ang puso ay umaayaw na Umaayaw sapagkat parang wala ng pag-asa Humahalik sa pangarap na kung minsan ay parang malabo nang matupad.
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:19 AM UTC
Anino ng Nakaraan
Sa sandaling iwan kita, Ay doon ka naman lalabas Habang tahimik na nanunulsol, Upang hindi ako makatakas Subalit ako'y bukod tanging nasasakal! Ang hininga'y bumibilis sa iyong pagdating Pakibit balikat akong nagdarasal, "Huwag mo sanang tapatan ng iyong patalim." At sa oras na matapos ang nginig, titingin nalang sa oras habang nakapikit. Ang aninong nagmumulto galing nakaraan Ang nagdala sa aking kinahahantungan.
0
Mar 5, 2017
Mar 5, 2017 at 11:08 AM UTC
Anino
Ano nga ba ang buhay? Isang kahibangan, What is life? A mania, Ano nga ba ang buhay? Isang ilusyon, What is life? An illusion, Isang anino, isang kasinungalingan, A shadow, a lie At ang malalaking biyaya'y maliliit pa rin, And the biggest blessings is still small, Dahil ang buhay ay isa lamang pangarap, Because life is only a dream, At ang pangarap ay pangarap lamang. And a dream is only a dream.
0
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 8:07 AM UTC
Poem by Pedro Calderon