Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#alipin
Gera nang karahasan,Pagyao ng iilan Kasamaan na meron sila,inosente ang pinupuntirya Marami na ring nabubulag sa salapi,masyado ng sakim sa kapangyarihan Kaya pati mga mamamayan,ginagawan ng paraan para kumita sila ng barya Sakim sa kapangyarihan,umiiyak ang iilan Wala na ngang laban,Sinasabi nyo paring nanlaban Tahimik lang akong naglalakad,bukid ang kapaligiran Ang dami kasing magsasaka,kung magtanim droga ang nilalagay sa tagiliran Kaya kailangang mag-ingat,magmasid dahil Hindi lahat ng tagapangahalaga sa bayan ay dapat pagkatiwalaan Narinig mo na ba yung putok ng baril sa kanluran Nangangahulugan na nawalan nanaman tayo ng isang pag-asa ng bayan Inabuso na kasi ang katungkulan,Sulit tuloy ang nakamit na kalayaan Ang tagal nga imulat ng mga mamamayan ang kanilang isip at matang nagbubulag-bulagan Ginigising ko na kayo,Tulog pa yata,Lasing sa tinomang alak ng kalokohan, Tanghali na!Tulog na ang mga manok na naunang nagising kanina habang tayo'y nagbibingi-bingihan.
0
Apr 12, 2018
Apr 12, 2018 at 10:17 AM UTC
Tilaok
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani, Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili? Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili? Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan, Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 9:49 AM UTC
BAkit ganYAN?