Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#alala
Mga kantang nagpapaalala ng kasaysayan ng ating pagmamahalan; Prosa at tulang ikaw at kwento nating dalawa ang nag-iisang paksa; Ang pait at sakit sa bawat pagsambit na ‘di ka na muling manunumbalik; Luhang nagmistulang mga talon hanggang sa natuyo na lang paglipas ng panahon; Bawat araw na lumilipas ay naiipon na lang tulad ng mga pangako ng kahapon At nang dumating ang araw nagpasiya kang bumalik; hindi na maramdaman ang sabik Tuluyang napagod na at namanhid sa sitwasyon; hindi na ako muling aasa Na masimulang muli ang istoyang ikaw mismo ang nagpasyang ito ay wakasan.
0
Oct 4, 2019
Oct 4, 2019 at 1:33 AM UTC
alaala ng kahapon
naalala ko pa lahat, lahat ng ating pinagsamahan, pinagsamahan mula hirap at saya, saya na hindi ko inakala, inakala na magtatagal, magtatagal ngunit sakit ang naging dulo. ikaw, naalala mo pa ba lahat? lahat ng mga alala, alalang alam ko unti-unti mo ng nilimot, nilimot kahit ako, ako na sinakripisyo lahat pero ako pa rin ang mali. saan nga ba ako nagkulang mahal? mahal, namimiss ko na ang iyong mga yakap, yakap **** kay higpit na ayaw akong bitawan, ngunit dumating ang aking kinakatakutan, kinakatakutang iwan ako at iyon ang iyong ginawa.
0
Mar 29, 2019
Mar 29, 2019 at 10:24 AM UTC
Ala-ala.