Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#akala
Tila totoo ang aking sapantaha Pag-ibig mo'y nasa kaniya na Dati'y nasa akin pa Ngayo'y nanlilimos kahit tira tira. Lokohin man ang sarili Sabihin mang hindi na ikaw Hindi mabibilang sa daliri Ang patuloy na pag-alala sa iyo sa araw araw. Tila totoo ang aking sapantaha Sariwa pa sa aking mga ala ala Noong tayo'y naguunahan sa pagbibisekleta Tayo lang dalawa sapagkat tahimik ang kalsada. Sumobra ako sa patakbo Dahilan upang matumba ako Inalalayan at nag-alala ka ng husto Pagkatapos no'n ay sabay tayong humalakhak dahil sa katangahan ko Araw-araw mo akong pinapaligaya Sa mga mensahe **** nakakatawa Hindi tayo nagsasawa sa isa't isa Iyon ang aking sapantaha. Ganoon tayo kasaya Kahit isaw at kwek kwek lang ang meryenda Hindi nasa meryenda ang aking kasiyahan Nasa taong kasama ko na gusto kong maging kasintahan. Ang sarap balik balikan Mga panahong buo pa ang ating samahan Kay bilis lamang magbago ang ihip ng hangin Kasabay no'n ay wala ka na pala sa akin. Tila totoo ang aking sapantaha Hindi dapat ako masyadong nagtiwala Sa katulad **** magaling magpatawa Dahil isa lang pa lang biro ang lahat ng iyong ipinadama.
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:31 PM UTC
Sapantaha
noong una kitang nasilayan inaamin kong hindi ikaw ang nais kong kamtan ngunit habang tumatagal, puso ko’t loob, sayo’y natuluyan
0
Mar 5, 2018
Mar 5, 2018 at 3:32 AM UTC
Akala
nakita mo ako noon na umiiyak may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak hinawakan mo ako noon sa balikat nakita mo sa mga mata ko wasak ang mundong kinatatayuan ko ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo Kinupkop mo ako. pinasilong sa iyong payong pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako hinagkan mo ako pinangalanang "tapat" tinanggap ko ang alok **** payong nananabik sa pagtanggap pagtanggap isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala Nananabik ako. kinilala mo ako binasa na parang librong daladala mo araw araw naging interesado sa kada buklat ng pahina Naiintindihan mo na. lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa nananabik akong matapos mo kilalanin mo ako ng buo itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot bigyan mo ako ng rason. ayan na, malapit ka na sa kabanata kung saan bumitaw sila tatlong pahina na, magtiyaga ka sana dalawang pahina na lang, huminga ng malalim isang pahina--- saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina? "magpapahinga muna", yan ang sinabi mo ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko Maghihintay ako at naghihintay pa rin ako nakatunganga ako sa labas ng kawalan hinihintay ang pagbabalik mo ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko hindi mo ba ako nakikita? hindi ka na bumalik hindi mo na sinubukang bumalik wala ka pa nga sa kadiliman ko hindi mo na kinaya ang kwento ko
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 7:46 AM UTC
Untitled
Akala ko nakamove on na ko. Hindi pa pala. Nakita lang kita. Bumalik bigla lahat ng ala ala. Bakit mo pa ko pinakawalan? Bakit mo pa ko iniwan? Sagutin mo lahat ng tanong ko. Dahil baka mabaliw ako ng tuluyan. Paano ka nakamove on ng ganun kabilis? Habang yung mga nararamdaman ko sayo hindi parin umaalis. Andaya mo naman! Ikaw masaya habang ako nagdudusa pa. Pwede bang tayo na lang ulit? tayo na lang ulit. Bumalik ka dito para ayusin lahat ng ito. Lahat ng mga sinira mo. Akala ko ikaw na ang bubuo sakin. Pero ikaw rin pala ang sisira sakin.
0
May 13, 2017
May 13, 2017 at 1:56 AM UTC
Akala ko
••• Narinig ko lang pangalan mo Kumirot na ang puso ko Akala ko okay na ako Akala ko lang pala
0
Jan 11, 2017
Jan 11, 2017 at 9:38 AM UTC
Akala Ko..
Akala ko ikaw na Akala ko kasi pwede Akala ko may chance Akala ko iba ka Yun pala nauwi lahat sa maling akala
0
Dec 5, 2016
Dec 5, 2016 at 5:05 AM UTC
Untitled
Para sa ulap na di ko maabot Para sa pasang di magamot-gamot Para sa halik na di malilimutan Para sa akalang hanggang akala nalang Para sa ibong di makalipad Para sa pangarap na di ko matupad Para sa bukas na di ko na masilayan Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang Para sa bagyong di matapos-tapos Para sa hawak na nagmumukhang gapos Para sa panaginip na di ko mabitawan Para sa sanang hanggang sana nalang
0
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 12:18 PM UTC
Para Sayo
*oh, I'm sorry I thought you meant what you promised silly me*
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 2:31 PM UTC
...
*"for a minute there... ...you were all I ever wanted"*
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 1:53 PM UTC
Momentary Lapse of Reason
Sinabi ko na nga ba May hindi ako alam Malinaw na ngayon Salamat sa paalam Sinabi ko na nga ba Ngayo'y intindi na 'Wag kang mag-alala Sanay na rin naman akong umasa
0
Sep 7, 2015
Sep 7, 2015 at 10:00 AM UTC
Sabi na eh