Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
M Mar 2020
Yung mga tropa ko gumagawa ng tula
Samantalang ako, lagi na lang naluluha.
Nahikayat naman ako sa kanilang gawa
Kaya heto ako ngayon, nagtitipa hangga't sa aking kaya.

Kita ko yung saya sa kanila pyesa
Pero bakit ako, pilit maging masaya?
Eh bakit kasi ako nagawa?
Kung hindi ko naman kayang gumawa ng tulang magara?

Gago kasi naman parang tanga
Lagi na lang ganito, wala na bang iba?
Yung mga tropa ko ang galing gumawa ng tula
Ngunit ako, hindi kayang isagawa.
Kaya ko bang maging masaya, sa pamamagitan ng ganitong lathala?

— The End —