Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eve Nov 2019
Hindi ka man sakin
Ikaw parin ang mamahalin
Kahit ito'y masakit para sakin
Ito'y tatanggapin

Dahil ikaw lang ang para sakin

Meron mang kayo
At wala mang tayo
Ikaw parin ang mahal ko
Kahit sya ang piliin mo

Ano man ang sabihin
Ikaw parin
Ang pipiliin

Madali lang mag pag katanga
Basta ikaw ang dahilan
Hindi mag dadalawang isip na gawin
Basta ikaw ang nag sabi

Pero sana lang ay mapansin
Mapansin kung ano ang halaga ko
Para malaman kung ano nga ba tayo
Kasi hindi kuna alam ang gagawin ko
Pag sinabihan mo akong "Tama na"

Ayaw kung tumigil
Kasi alam kung walang pipigil
HYA Jan 2018
Isang lihim na pilit na tinatago
Sa loob ng napakaraming taon ng anino
Biglang nabuhay sa bibig ng tuwina
Bakas ng kahapon, nagising sa aberya

Sa inukit na alaala ng mga ngiting makaluma
Alaala ng kasiyahan, poot ng pagkakasala
Pilit na bumabangon sa hukay ng panahon
Upang maibalik ang mga nawalang pagkakataon

Subalit habang siya'y may kasamang mga tugma
Nakitipon ang mali na pinilit na maging tama
Ang mga tengang sinungaling na tumutulak sa bangin
Ang mga bibig at utak na totoong salarin

Sa isang sekretong binuhay ng panahon
Sa isang sekretong itinama sa baton
Sa isang sekretong noon pa inilibing
Na ngayon ay handa na upang ako ay singilin
dead.

— The End —