Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tatlong araw lang kitang nakasama
Pero feeling ko ang tagal na.
Parang buong buhay na kitang nakilala,
Saglit lang yun, pero tunay yung saya.

Maniniwala ka na ba,
Kung sasabihin kong namimiss na kita?
Okay lang kahit may pagdududa ka pa,
Di ko lang talaga
maipaliwanag itong
aking nadarama.

Alam kong mag-isa ka lang
ngayong lumalaban,
mag-isa mo pang pasanpasan
yung mga iyong pinagdadaanan.
Pero akoy andito lang
at handa kang pakinggan,
para hindi ka na mahirapan
na harapin ang iyong kinabukasan.

At tanging dalangin ko lang
ay iyong makamtan
ang inaasam-asam **** kaligayahan.
At akoy nandito lang naman,
maghihintay at mag-aabang
hanggang sa makita kang
puno ng ngiti na walang hanggan.

Yung tatlong araw lang kitang nakasama
Pero feeling ko ang dami na nating ala-ala,
Sana naman ay naging masaya ka rin,
noong ako'y iyong nakapiling.
That 3 days felt like 3 life times.
I hope to see you soon.
Sa pagtatapos ng isang kabanata
Malungkot na isasara ang huling pahina
Mag-iisip sa sandaling pagpapahinga
At magbubukas ng panibagong pahina

Hindi na mababago pa ang mga mali
Sa mga nagdaang pahinang naitahi
Ngunit sa bawat aral na sukli
Isusulat ang bagay na nagwagi

Minimithi'y maisulat ko nawa
Sa panibaong aklat na ginagawa
Sa aklat na mayroong pahina
Tatlong daan at animnapu't lima

Ngunit hindi ako ang nagtatakda ng aking daliri
May mga bagay na di alinsunod sa aking wari
Ngunit pakiusap hangga't maari
Ang iyong layunin Oh Diyos ang maghari
-JGA
Pusang Tahimik Dec 2022
Bahagyang pumanaw na ang uhaw
Sa mga bagay na nakakatunaw
Sa mga bagay na tuluyang umaagaw
Sa mga panahong tila naliligaw

Dumating na yata ang hangganan
At humarap na ng tuluyan
Sa laban na laging iniiwasan
Ng waring musmos na isipan

Ngunit magtutungo ng mag isa
Sa lugar na aking hinuhulma
Sa bawat hakbang hindi lumilinga
At sa harap ang tuon ng mga mata

Sana'y huli na nga
Sawa nang mag pa ika-ika
Pagod nang tumingala
At paulit-ulit na magsalita
JGA
Pusang Tahimik Dec 2022
Sa sigaw ng isip ay nais makalaya
Ngunit katunggali niya ay magaling na mandaraya
Hanggang kailan mo nanaisin ang lumaya?
Tanong ko habang naka ngiting masaya

Hindi nga niya kailanman maililihim
Ang totoong timpla ng damdamin
Ngunit kung ako ang papipiliin?
Hirap niya sa isang iglap ay nais ko'ng burahin

Tunay nga na siya ay magaling
Dumi ng iba ay kayang alisin
Ngunit sa sarili pag-dating
Mantsa ay hindi kayang tanggalin

Tunay na kulay nga niya'y itim
Siya'y nagkukubli sa anyong mahinhin
Siya nga ito'ng nakaharap sa akin
anyo ng lalaki sa salamin

At sa t'wing pag-bungad ng umagang maawain
Madalas siyang magtago sa lilim
At kasabay ng pag-agaw ng dilim
Sa lungkot nagdudusa ang kanyang damdamin
JGA
Raven Blue Dec 2022
Gabing madilim
Puso'y wasak ng palihim
Gabing madilim
Hiling ko'y makalimutan na kita, aking bituin
SYL Dec 2022
120522

Kaba ng puso ko’y Iyong pasan
Pilit ko mang labanan
Ang mga delubyong namamasukan
Ay kusa kong ibinabaling Sa’yo ang tingin.

Pagkat kailanma’y hindi ako nag-iisa
At sa bawat giyera’y Ikaw ang aking Sandata.
Ang hiwaga ng Iyong pag-ibig
Ay higit pa sa kung anumang bala’t palaso
Na sa akin ay hinahagis upang ako’y sumuko na.

Hindi ako nagmamataas
Na kaya kong patuloy na tumayo
Sa kabila ng mga patibong
Habang ako’y nakapikit pa.

Ngunit sa aking paniniwalang
Ikaw ang aking Buhay,
Ay Ikaw rin ang magbibigay daan
Sa patuloy kong paglagay
Patungo sa aking patutunguhan.

Sa aking pagbimbing
Ay palagi Kang gising —
Nakamulat at ako’y pinagmamasdan
At patuloy na hinihingahan ng buhay.

Nang sa aking paggising
Ay hindi kung kani-kaninong tinig
Ang aking hahanapin.
Pagkat ang nais ng puso ko’y
Sa’yo ako pumisan habambuhay
At Ikaw ay makapiling at maranasan
Sa mga susunod pang bukas
Nang wala nang pangamba pa.
Nadudual, nahihilo, walang gana kumain, walang gana gumalaw at gumawa ng pagbabago

May motibo pero mabilis ding sumusuko
nilalamig, nanginginig, nakatulala, kumukulo na ang sikmura

Ibang-iba sa panlabas na anyong ipinapakita
katahimikan, kasiyahan, kalituhan, sigaw ng pusong uhaw
makakamit kaya lahat bago pumanaw?

ika-29 ng Oktubre

Nakaligtaan ang lihim na pagkakamali
may oras pa bago maputulan ng tubig
I simply forgot to pay the water bill but in this specific day, I thought I had things in my control then problems and complications went on and on until I felt buried in them.
SYL Nov 2022
041020

Malalalim ang gabi
At tinatanong ko ang langit
Kung kagaya ba nito ang Iyong mga mata.
Kung sa aking pagtulog ba'y
Ilang umaga pa ang bubungad
At aalayan ko ng pagsinta.

Sa bawat araw na lumilipas,
Ay walang kurap ang aking pagsamba
Sa ngalan ****
Hindi sa anumang papel ko lang nabasa,
Ang kaluwalhatian **** siyang himig
Sa bawat silakbo ng oras
At pintig ng segundong
Lumalamon sa aking pagkatao.

Tangay Mo ang aking pagsusumamo,
Ang bawat pantig
Ng mga sinasambit kong mga salita,
Ang bawat kuwit sa puso kong
Nalulunod sa Iyong presensya.

Ikaw ay nag-iisa —
Walang katulad ang Iyong Ngalan.
Walang ibang pupurihin,
Walang ibang sasambahin,
O Diyos, Ikaw ay sapat.
SYL Nov 2022
111422

Namumuo ang pawis sa kanyang kamao
Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo.
At dali-dali nyang sinarhan ang silid
Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan,
“Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,”
Aniya sa kabilang linya.

Kinuha niya ang lapis
Buhat sa luma nyang aparador —
Puno ng alikabok
Na kahit ilang pagpag na’y
Hindi naririndi sa pagbuga
Ng umaalingasaw nitong karumihan.

Naupo sya’t napapikit na lamang
Inaalala ang bawat detalye
Ang bawat katagang kanyang narinig
Ang bawat imaheng nais nyang takasan.

Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod,
At nangangalay ang kanyang mga kamay.
Habang tumatagas ang pawis nyang
Kulay itim sa malagim na gabi.

Naghihintay ng sagot
Sa mga katanungang saksakan ng ingay
Sabayan pa ng sunod-sunod na putok
Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon.

At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw
Sa bintanang walang kurtina’y
Nabaling ang kanyang tingin
Sa buwang napakaliwanag
Tila ba may taglay itong kung anong elemento —
“Mahiwaga,” wika nya.

Ang mga larawan sa kanyang balintataw
Ay unti-unting gumuho
At napalitan ng imahe ng buwan .
Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito,
Akala nya’y ito na ang huling kathang
Kanyang maililimbag sa kanyang kwento.

Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y
Hindi nya maipaliwanag
Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay
Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang
Bigkasin ang mga pangungusap
Na hindi nya ninais na sambitin.

Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay
Sa lapis na guguhit at tutuldok sana
Sa kanyang masalimuot na nakaraan.
At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan
Hindi na buhat sa sarili nyang bintana
Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin.

Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan
Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan —
“Sayang, ngayon lang Kita nasilayan…
Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
cj Oct 2022
palaging bilin sa akin ni itay kahit pa bata ako, "huwag kang pupunta sa lamay na may sugat." ngunit, hanggang ngayon pa naman, makulit pa rin ako. bawat lamay, ako ang taga-aruga sa umiiyak, taga-bigay ng biskit at dyus sa mga bisita, taga-lampaso ng sahig sa tabi ng kabaong.

sa gitna ng lahat, yakap pa rin ako ng aking itay. kahit sa gitna ng pagod, kinakaya ko pa rin ang gumaya sa mga yapak niya. subalit, araw-araw ko na lang nilalampaso sarili kong paa; paa na puno ng laslas, pasa, at mga iba't-ibang mga butas na hindi ko na rin matandaan.

sa kahit anong mangyari, dala-dala ko ang mga sugat na ito. ito ang aking sumpa; na araw-araw kong paglalamayan ang bawat pagkakaibigang nawala, mga irog na sinaktan at nasaktan, mga bawat away sa pamilya, at tuluyang hindi ako aalis sa kapilya kahit mawala pa ang aking dugo.

alam ko sa sarili ko na makulit ako. hangga't may ihihinga pa ako, dadalhin ko ang mga sugat ko sa bawat lamay na hindi pa nililibing hanggang ngayon. pinili ko ang mag-lingkod at maging mabuti. *kahit akin itong ikamamatay pa
Next page