Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Rish Tam Jun 30
Gusto kong mawala sa kawalaan kung saan tahimik at walang sakit.
Gusto kong mawala na lang na parang bula,makalimutan lang ang nararamdaman ng isang iglap.
Gusto kong mawala na lang bigla dito sa mundong walang sigla.

Pagod na ako, ayoko na, gusto ko na lang mawala...
HYA Oct 2017
[Spoken Word Poetry]

Hindi maipagkakaila ang aking mga tingin kapag ikaw ay nandiyan. Kahit ang mga mata ay nakatutok sa harapan, mas lumalawak pa rin ang tingin lalo na kapag ikaw ay nasa kiliran. Nakakabaliw.

Ibig kong lumayo subalit habang pinipilit, mas napapalapit lalo. Gusto kong kumawala ka sa aking isipan at nang sanggayon ay hindi na kita maisip. Subalit, mali. Nang ikaw ay kumawala sa aking isipan, hindi ka na muling bumalik sa tahimik na espasyo at lumaganap sa aking buong pagkatao. Ayoko.

Hindi ko gusto ang katotohanang nakukulangan ng kulay ang bahag-hari sa aking ngiti kapag hindi ka nakikita. Gustong makita ka pero ayaw kitang makita. Ayokong malunod sa karagatan ng walang kasiguraduhan at huminga nalang kapag hindi ko na kilala ang sarili. Ayokong makalimutan ang sarili sapagkat kapag iyan ay mangyari, makakalimutan din kita.

Ayokong makalimutan ka. Ayokong makita ka. Ayoko. Kaya ngayon, huwag kang manatili sa iyong kinaroroonan. Lumayo ka. Ayokong hindi ka makita.
Nakakabaliw din minsan.

— The End —