Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ice Dec 2018
"Mahal kita pero ang sakit sakit na"

"Let's break up." I said in between my sobs.

Tiningnan niya ako ng nanlilisik ang mata.
"Ano? Potangina naman. I already said sorry. Ginawa ko naman lahat.  Ano pa bang gusto mo ha?" Kasabay neto ang pabalibag niyang pagsara ng pinto.

"Ayoko na. Paulit-ulit na lang tayo. Ganun pa rin yung ginagawa mo. Pa'no naman ako ha? Nakakagago lang talaga eh. Ang sakit sakit na. Tuwing nakikita kita, sa araw araw tayong magkasama bumabalik lahat. Pinipilit ko namang kalimutan eh. Kaso hindi ko na talaga kaya. Ayoko na." Patuloy kong iyak habang nakayuko. Ayoko siyang tingnan sa mata. Natatakot ako baka bigla kong bawiin yung mga salitang binitiwan ko. Hindi ko na kaya.

Tumayo ako habang nagpupunas ng luha kong patuloy sa pag agos at tumalikod. Ngunit bigla niya akong niyakap at sumubsob siya sa leeg ko.

"N-No. W-wag kang umalis. A-ayoko. H-Hindi tayo maghihiwalay." Umiiyak niyang sabi.

— The End —