Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA Jan 2018
Isang lihim na pilit na tinatago
Sa loob ng napakaraming taon ng anino
Biglang nabuhay sa bibig ng tuwina
Bakas ng kahapon, nagising sa aberya

Sa inukit na alaala ng mga ngiting makaluma
Alaala ng kasiyahan, poot ng pagkakasala
Pilit na bumabangon sa hukay ng panahon
Upang maibalik ang mga nawalang pagkakataon

Subalit habang siya'y may kasamang mga tugma
Nakitipon ang mali na pinilit na maging tama
Ang mga tengang sinungaling na tumutulak sa bangin
Ang mga bibig at utak na totoong salarin

Sa isang sekretong binuhay ng panahon
Sa isang sekretong itinama sa baton
Sa isang sekretong noon pa inilibing
Na ngayon ay handa na upang ako ay singilin
dead.
HYA Aug 2017
Mahal ka namin, kaibigan
Sana'y hindi nakalimutan
Ang ating munting sumpaan
Na tayong lahat ay 'di mag-iiwanan

Kung ikaw man ay nahuhulog sa bangin
Pipilitin na ika'y makakakapit pa sa amin
Huwag ka lang sumuko, parang awa mo na
Isipin mo sana na para sa amin, ika'y mahalaga

Ikaw yung nawawalang piraso ng aming buhay
Ang aming kasiyahan ay sayo nakasalalay
Mahal ka namin, kaibigan
Nakalimutan mo na ba ang ating tawanan?

Hindi mahalaga kung gaano kalalim ang bangin
Hindi mahalaga kung ang repleksyon ay nawala sa salamin
Basta't hindi ka lang bibitaw
At mayamaya, kami na ay iyong matatanaw
Ito'y para sa aming napakamamahal na kaibigan na ngayo'y humaharap ng matinding problema.

— The End —