Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 24 · 121
Aral
shy soriano Apr 24
Isang pakiramdam matagal ko nang hindi kilala.
Sa pagharap pala nito'y akin makikilala ang tunay na sarili.
Sa pasakit na iyong iginuhit sa akin puso labis na pag durusa ang naramdaman subalit ng akin nalagpasan labis na pag mamahal sa sarili ang aking natagpuan salamat dahil natoto ako.
Apr 22 · 102
Maling Tao
shy soriano Apr 22
Alam kong napakabata ko pa para  umibig ng sobra sa isang taong akala ko'y tama. Subalit ito'y kailangan ko ng itigil sa pagkat sinasaktan ko lamang ang aking sarili mahalin kalang.  lalo na't ngayon akin na pagtanto na ako lang pala ang nag mahal ng lubusan sa ating dalawa.
Apr 11 · 95
Kung di lang Sana
shy soriano Apr 11
Sa simula lang ang Kasiyahan at nauwi ito sa hindi pag papansinan,
Ilangan , dedmahan at walang kibuan , tila ang magandang samahan ay biglang naglaho. Ang araw ay lumipas nag katagpo tayo ng panibagong kaibigan ngunit ang ala-ala noon ng ating samahan ay laging gugunitain at babalikan sa tuwing Naaala-ala ang ating  kulitan ala-ala noon ay nababalik kung diko lang sana inamin wala sanang nag bago sa ating pag kakaibigan.
Apr 3 · 54
Ginagambala Parin
shy soriano Apr 3
Ang araw ay lumipas na nagkatagpo tayo ng
kanya-kanyang taong mag papasaya sa atin. Ngunit ang ala-ala ng atin nakaraan ay lagi bumabalik sa tuwing nakakakita ng mga bagay na nag papaala-ala sayo ala-ala noon ay nababalikan. Bakit ganoon ? alam ko sa sarili ko na wala na akong na raramdaman ngunit ang mga pangarap at pinag samahan atin andyan parin buhay sa akin isipan. Paano ako mag sisimula kung ang ala-ala mo'y ako! parin ang ginagambala.
#pangarap #pinagsamahan #inpirasyon #kasawian
Mar 20 · 41
Hanggan sa Muli
shy soriano Mar 20
Una kang makita ang puso  ko'y mayroong ibang naramdaman.
Naramdaman kung tumibok muli ang puso kong ito sa isang taong Hindi ko lubusang Kilala. Hindi ko aakalain tatamaan sayo dahil isa ako sa mga taong Hindi naniniwala sa " love at first sight " Ngunit ng Ika'y nasisilayan sa pang araw-araw hindi ko namalayang nahuhulog na pala sayo ng lubusan sa mga Matatamis **** ngiti sa maaliwalas **** mukha di nakakapag takang nabihag mo ang puso ko. Unay nahihiyang lumapit sayo nakuntento sa palihim na pag sulyap .Hanggang sa nag ka lakas ng loob na ika'y kausapin at doon na nga nag umpisa sa wakas ikaw at ako'y mag kaibigan na  lalo akong Humanga sa taglay **** kabaitan kaya't di napigilan sabihin sayo ang aking nararamdaman Labis ang kaba sa pagkat ako'y natatakot  aminin sayo ang aking pagtingin sapagkat baka ako'y iyong iwasan. Pero nanaig pa din ang kagustohang aminin sayo ang nararamdaman Ika nga "Mas mabuti ng sinubukan kisa sa hindi "  Salamat at dika lumayo salamat at di ka nag bago salamat sa mga panahong masaya ako kausap ka  sa mga biruang halos umiyak na sa kakatawa itong mga ala-alang binuo nating dalawa akin  dadalhin  salamat hanggang sa muli nating pag kikita Mahal kong kaibigan.
#Pagmamahal #Pagsubok #inspirasyon #ala-ala
Mar 16 · 644
Di ka Nag-iisa
shy soriano Mar 16
Ipapangako ko na balang araw ako ay magiging sa paligid mo,
At ikaw ay papanatilihing ligtas alam ko na may
mga bagay na kailangan nating-pag-usapan
pero hindi ako pweding manatili kaya't
hayaan **** hawakan ko ang kamay mo kahit
sa maikling panahon at kunin mo itong
peraso ng aking puso at gawing Iyo.
kaya kahit na magkalayo tayo hindi ka nag-iisa.
#This poem is inspire by my crush
Feb 13 · 57
Duwag ako
shy soriano Feb 13
Salamat dahil hindi moko hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya
Hindi moko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang.
Sa matatamis na ngiti na hanggang ngiti lamang
Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang
dahil duwag ako.
Dahil andyan ka andito ako pinag dugtong lang ng isang mesa na para bang libo-libong distansyang mahirap abutin.
Dahil hindi ko kayang tawirin dahil duwag ako
oo duwag ako na harapin ka
nakakapagod maniwala sa isang panaginip na baka balang araw mag dikit din ang ating mga daliri  at mabatid ko sayo ang nararamdaman
duwag ako pumaroon sa espasyong walang kasiguradohan pero napakatapang ko hinarap ko ang katotohanan nakakabit sa akin na andyan ka andito ako
malayong-malayo itong paang pumipigil sa akin sa kaligayahanng hatid mo.
hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo  o na malaya kong natitigan ang mga mata mo.
lagi ako nakapikit na hindi kayang imulat ang mga mata dahil duwag ako at ito ay isang pekeng pangarap.
#Para sa mga hanggang tingin lang ki crush.

— The End —