Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun Lit  Oct 2018
Oktubre
Jun Lit Oct 2018
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan,
Enero, Pebrero, Marso ng kabataan
Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam
balatkayong pinasikip ng mga agam-agam
mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham
sa yungib ng pipíng isipan.

Sa pagtalikód ko’y hiniwa
ng balaraw ng panghihinayang
ang banig na naidlip saglit
sa magdamag na paglalamay
banig na nilala ng mga dekada
mula sa mga hibla ng pagsusumikap.

Paalam,
kaibigang nabingi sa tawag ng luho
Walang alinlangang maririnig mo rin
ang tibok at bulong ng puso
Ninais ko sanang samahan mo ako
at ating anihin
ang mga uhay na mula
sa binhing ipinunla
sa mga alapaap.
Ninais kong lasapin
ang matamis na bunga,
pinahinog ng tiyaga
at patuloy na pag-asa.

Subalit
dagtang makapit,
luhang mapait,
kumikirot ang lupa
sa patak ng namuong dugo
ng bayaning nagbuwis
ng sariling pagsuyo.

Kikitlin ng Nobyembre
ang bawat naiwang himaymay
sa lamig ng yakap ng amihan
- akala’y dakila ang dayuhang niyebe.
Mamamaluktot muli sa maigsing kumot
hanggang sa magising
sa aguinaldo ng Disyembre
at pagpasok na naman ng Bagong Taon
walang kamatayang panahon
aasa na naman sa ****
na iba ang pangako at iba ang tugon
sa dalangin at maraming tanong

Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
Oktubre - Filipino word for October; for several years now, sometime within my birth month, I unconsciously start to reflect on events in my life and the places I call home.
Sally A Bayan Jan 2014
( Filipino orTagalog version)

di sumasapit ang pagtulog
sa isang kaluluwang
sabik at di mapakali
isang pusong ubod tiyaga
ngayo'y balisang tumitibok
sa kabila ng malumanay
na pag patak ng ulan...

sa kaunting salitang nagbibigay kasiyahan
parang simoy ng hangin, may mga dalang palamuti
mga matatamis na pangako ng
maluwalhating bukas,
lumutang sa kapaligiran
at binago ang malamlam na
lagay ng kalooban.
ang mga darating na araw
ay muling yayabong.

isang kaluluwang hapong hapo
di-inaasaha'y, napangiti
sa unang pagkakataon
mga matatamis na tunog ng mahihinang
halakhak ay paulit-ulit na tumaginting
sa kalaliman ng gabi.

itong di maampat-ampat na pananabik
aking panalangin ay
tuluyan nang pumayapa
dito sa dilim, ako'y nakahimlay
habang  ang mga pangarap ng pag-asa
ay alak na lumalasing sa aking pag-iisip.
kasabay ng pagdatal ng madaling-araw,
nabubuhay na lalo ang mga bagong isipin
na lalong nagpapasigla sa aking utak...

mulat na mulat ang aking mga mata
di na sasapit pa ang antok
di na sasapit pa ang pagtulog...

::::::::::

(ENGLISH VERSION)

SLEEP DOESN'T COME...

Sleep doesn’t come
To an eager, restless soul.
A heart so patient
now beats anxiously,
Even with the gentle rhythm
Of raindrops tapping.

With just a few satisfying words
Sprinkled with whiffs of hope,
So magical,
A promise of a glorious tomorrow
Floated in the air
And altered the somber mood.
The coming days are to flourish
Once more.

Unexpectedly,
A soul gone weary
Smiled for the first time.
The sweet sound of soft laughter
Unheard in the still of the night.

This insatiable needing
I pray, to be quelled soon..
Here in the dark, I lay awake,
As visions of hope inebriate my mind.
With dawn comes new ideas,
Stimulating my brain even more..

.......my eyes are wide open........
.......sleep wouldn’t come at all……


       Sally

            Copyright 2014
       Rosalia Rosario A. Bayan
*...another old poem, with an  english and tagalog version...*
astroaquanaut Oct 2015
pumasok sa kompartamentong bilang sa lahat
ngunit ipagsiksikan ang sarili, sumuot, at ipilit
dahil ang maiiwan sa españa ay hindi makakarating
makipaglaban, mang-agaw, ang akin ay akin

trenta minutong paghihintay
sa ilalim ng init, tiyaga ang kapiling sa umaga
bakit nga ba ‘di pa makikipag-balyahan?
asal-hayup upang mapuntahan ka lamang

sa pagdating sa istasyon ng sta. mesa
pawis ay naghahalo, amoy ay ‘di mawari
napagitnaan ng dal’**** dalagang nagchi-chismisan
‘di sinasadyang makinig, ako’y ‘di sang-ayon kaya iiling

sa hawakan ay higpitan lalo ang kapit
sasakyan natin ay paparating na sa pandacan
tumitig sa bintana at muli, bigla kang naisip
ngunit sila’y ‘di maibigay ang inaasam na pagtahimik

bakit nga ba ako nagtitiyaga?
sa masikip, magulo, at maingay na paraan
paalis na tayo sa istasyon ng paco
ika’y singtulad ng tren na ito

hindi makahinga sa dami ng taong nilalaman
kailan ba mapapadali ang ruta sa araw-araw?
magrereklamo, magsasawa, sasabihing “ayoko na”
titigil sa istasyon ng san andres

mananatili hanggang makaabot sa vito cruz
pasulong ang andar ngunit ang gana’y wala na
pagod at nagsasawa, hindi magawang iwan
ngayon ka pa ba susuko, eh ang lapit mo na?

nawala ang bigat ng pasahero pagdating sa buendia
nawala na rin panandalian ang sikip na iniinda
ngunit ano namang silbi ng ginhawa,
kung paalis ka na rin at nalalapit na sa paru-roonan

pagod ka na pero tiyagain mo nalang
ikaw at ang sitwasyon ay nariyan na nga
nag-inarte ka pa kung kailan nasa pasay road na
hindi ka pa ba nasanay sa araw-araw?

tumigil ang tren sa istasyong pinakahihintay
pawis, pagod, suot ang damit na gusut-gusot
heto na, sa dami ng nangyari ay narito na
sa edsa magallanes, salubungin mo siya
John AD Nov 2017
Nandito nanaman ako sa isang silid,
malungkot , nagiisip kung anong mangyayari sa paligid
Bukas ba ay payapa muli ang isip o bibilis nanaman ang tibok ng dibdib
Sa bawat nangyayaring karanasan sa buhay ko
may mga bagay akong naiisip na lumalait sa sarili kong pagkatao,
sa pagkatao kong , pagiging mahina , na puro salita walang gawa,
sa pagkatao kong kulang sa tiyaga umaasa sa kasiyahan na napupunta sa wala...At

Paglipas nang taon sa kolehiyo , nanatili parin akong talo
sa pag angat , pinili ang kurso na hindi naman kasing bigat ng abogado,
Oo inaamin ko naiwan ako sa larangan ng akademika ,
alam ko naman na ginawa ko tong landas na to para sumaya pero,

Dati yon iba na ang nasa isip ko ngayon,
sana pala pinagbutihan ko nung mga araw na nakakahabol pa ko
Pero ngayon ,ito natupad nga ang mga pangarap ko sa sarili ko ,
Pero di ko naman naisip ang kapalaran na darating sa kinabukasan ko

Ano nga ba ang magiging kinabukasan ko ?
Kung sariling kaligayan nalang palagi nag nasa isip ko
Palagi nalang bang ganto ang buhay ko o isang araw ,
babagsak ang katawan ko katulad ng pagbagsak ng utak ko
Tuwing naiisip ang mga malalagim na nakaraan sa buhay ko

Mula sa palangiting tao na nakikita nyo ,
Maganda lang tignan parang takip ng libro,
Pero ang totoo ay iba ang nilalaman nito,
Magulo ang takbo ng buhay ko ,
Pero salamat narin may mga tao na nagbibigay ng halaga at pagmamahal
Upang magpursigi pa akong mabuhay dito sa mundo...


Salamat Ina,Itay,Lolo,Lola, Kaibigan,Katunggali
Salamat sa walang hupay na pag intindi sakin sa lahat ng galit , panunukso
Pagmamahal , pakikisama at sa mga bagay na nakalagay dito sa memorya ko,
Isa kayong tagapagligtas dahil kung wala kayo
Wala rin saysay ang pagkatao ko...
Sy Lilang Apr 2016
041716

Naakit ako sa linyang pahalang at patayo,
Mga detalyeng pinira-piraso.
Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo
Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako.

Hindi ko alam kung kaya ko,
Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya?
Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw,
Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo
Sasahod at maghihintay.

Masisilayan ko ang pundasyon
Ang mga bakal na kinalawang
Sa bodegang inimbakan.
Pagkat malayo pa ang byahe,
Bagkus sinelyuhan ng langis
Ang may tagas ng pagbabago.

Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado
Nasa hulog ang mga poste
Gaya ng minsang banging tinalunan ko.
Ako'y malaya sa pagsilip
Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado.
Ramdam ko ang gaspang ng kahapon,
Ang kurba ng mga bakal na di patitibag
Sa kaibuturan ng pundasyong timplado.

Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw
Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba
Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa
At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga.

Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad
Isang dipa, dalawang dipa at higit pa
Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan.
Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga
Mga kahoy at bakal na matibay
Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima.

Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta
Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga
At sa gabing hamog ang yakap sa dilim,
Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat.
Tanging kumot ng grasya,
Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat.

Nakakaakit ang plano, maging itsura nito
Kaya nga magtiya-tiyaga ako,
Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo.
Hindi lang ako ang lalaban sa presyo,
Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo
Tataya ako, pagkat kliyente lang ako
At alam kong linya Mo yan,
Ikaw ang aking Arkitekto.
Maraming mga bagay sa mundo
Na di mo pa dapat
Naririnig,
Nakikita,
At nahahawakan
Ngunit dahil sa salitang "TRENDING"
Nakikiuso ka na din

Mga bagay na ito
Na nakalilito
Di tuloy natin alam kung saan hihinto

Napaka bilis ng iyong takbo
Ni di na lubos maisip kung saan naparirito

Hinay lang at mararating din
Ang pinakamagandang hardin
Konting
Sipag,
Tiyaga,
At hintay lang natin
Ang kasiyaha'y iyong masasalamin
Huwag kasi mag mamadali... may panahon para sa bawat aksyon... Masyado pang bata ang ating mga isip at di pa sapat na impormasyon ang nakalap...
Daniel Mar 2018
K ung iisipin, isa lang s'yang kuya na hindi ko inaasahan na sa buhay ko'y darating, alam kong pati ikaw, hindi mo rin sya inasahan
U *** ng tikas, tiyaga't sipag, dyan siya mas kilala
Y aman niya ang oras, pag-ibig at panahon na naigugugol niya saakin, sayo at sa kanila
A abot sa tenga ang ngiti kung tutuusin, kanyang gawa't kilos saati'y wala naman talagang palya't katulad

T otoo lang sa tao, sarili't bagay,
kadalasa'y walang pinapanigan
O o, kayang-kaya tumayo't panindigan, kanyang salitang binibitawan
T unay nga nama'y isa s'yang biyaya, bigay saatin ng Diyos Ama
O o, salamat Sa'yo Ama, sa buhay ng taong ito na napakabusilak ng kalooban, sa tulong Mo Ama kanyang prinsipyo, payo't tulong, kadalasa'y tama. Tama!!
Very random birthday poem for our kuya Resty "Toto" Custodio, we love you kuya!
raquezha  Aug 22
Uyám
raquezha Aug 22
Ini an huring tataramon
Sa seryeng nagpuon sa umóy
Salamat sa mga nagbasa
Sa trentang tula na isinurat
Sa trentang aldaw nin kauyaman
An gabos na naisurat ko
Patunay na kaya ko man palan
Na sagadon an sadiri
Tiyaga asin pagpupursigi
Daing sawa maghapot
Sa mga bagay na dai aram
Padagos na paghukay
Kan mga gintong kaaraman
Sa trentang aldaw nin kauyaman
Masasabi ko na nahanap ko an kaugmahan
Sa paghanap nin tamang letra
Na mabagay sa sinusurat kong tema
Na mapagayon sa pinipinta kong obra
Gamiton an kauyaman
Sa pagkrear nin udok sa buot
Na magagayon na  memorya
Ini an huring tula na ilalaog ko
Sa "mga tula tungkol sa u"
Pero dai digdi nagtatapos an kalbaryo
Mapoon na naman akong magisip
Nin susunod na gigibohon
Dios mabalos sa gabos
Padagos sa pagsurat
Dai nungka magpundo!

—𝐔𝐲𝐚𝐦, a Bikol Poetry.
1. Uyam; bothersome, annoyance
2.
Ako ay may tula na hindi gaanong mahaba,
Mga frontliners ang aking paksa,
Kasi sila ang bayani ng bansa,
Saludo ako sa kanilang tiyaga
At sa kanilang pag-aalaga.

Mahirap man ang trabaho,
Kaligtasan ay hindi sigurado,
Para sa kaligtasan ng mundo,
Sila ay nag pursigi para sa mga tao.

Ito ay para sa mga mamamayan ko,
Manatili kayo sa tahanan nyo,
Para hindi na kumalat ito,
Laging mag dadasal kay kristo,
Kasi sya ang bayani ng mundo.

— The End —