Ang totoo 'di tunay na alam, sa kung paanong nito'y paraan, paano ipaparamdam, itong pasasalamat na mula sa puso, na ikaw rin mismo ang humubog at bumuo.
Sino ka nga ba sa aking buhay? Anong katangian ang iyong itinataglay? Bakit sa buhay, ika'y mahalaga? Bakit kita kinakailangan sa tuwina?
Ako'y 'di mo lamang inilabas sa sinapupunan. Sa akin ika'y nagmahal, nag-aruga, nagbigay ng aral. Sa araw-araw na ika'y nakikita, walang katumbas na saya ang tawagin kang "mama".
Kami'y walang kasing palad na mabiyayaan, isang inang maganda, busilak ang kalooban. Sa mga pagkakataon na ika'y nagalit, Ni minsan sa ami'y 'di nagmalupit.
Pagod, hirap, sakripisyo, sa ami'y inilalaan, walang pag-aalinlangang, ikaw ang ilaw ng tahanan. O ano ang buhay kung wala ka? Sa amin hatid mo ay labis na ligaya.
Di man masabi ang lahat sa munting tula, 'di man ito galing sa dalubhasa, sa ikabuturan ng puso, ito'y nanggaling, para sa isang dakilang inang wala ng niningning.